Fumiya Sankai, takot daw sa boyfriend ni Kylie Verzosa?

PBB Otso housemate Fumiya Sankai, inamin na takot siya sa boyfriend ni Kylie Verzosa na si Jake Cuenca

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/6/2019 2:35 PM
Fumiya Sankai, takot daw sa boyfriend ni Kylie Verzosa?


Photo credit: @juancarloscuenca and @23shun_base IG

Sa Tonight with Boy Abunda, game na sinagot ni Pinoy Big Brother Otso housemate Fumiya Sankai kung totoong crush niya ang ilang Filipina celebrity. Aminado si Fumiya na may big crush siya sa beauty queen na si Kylie Verzosa.

WATCH on PUSH Bets Live: FumiYam, sobrang na-starstruck daw kina Kylie Verzosa at Liza Soberano

Nagkaroon din ng pagkakataon si Fumiya na makausap si Kylie nang tawagan ito ni King of Talk Boy Abunda. “You are sobrang ganda. And your boyfriend also pogi,” ani Fumiya kay Kylie. Ang tinutukoy ni Fumiya na boyfriend ni Kylie ay si Jake Cuenca. 

READ: Jake Cuenca on Kylie Verzosa: ‘Mahal ko talaga siya’

Aminado rin si Fumiya na hinahangaan niya si Ylona Garcia. “Hanga lang,” ani Fumiya. Nang tanungin kung sino kay Kylie at Ylona ang mas hinahangaan niya, sagot ni Fumiya na takot siya sa boyfriend ni Kylie. “Pero Kylie is the boyfriend takot ako,” ani Fumiya.

Gusto rin makilala ni Fumiya si Kaori Oinuma na isa ring PBB Otso housemate katulad niya. Hindi pa sila nagkakausap ng dalaga dahil diumano sa PBB rules pero hopeful si Fumiya na magkakausap sila sa loob ng bahay ni Kuya. “Inside the house I think we will talk for the first time,” aniya. 

Kaparte na rin si Fumiya ng Home Sweetie Home Extra Sweet kung saan nakakasama niya ang celebrity vlogger na si Alex Gonzaga. Katulad ni Alex, isa ring vlogger si Fumiya na meron na ngayong 1.7 million subscribers. Ayon kay Fumiya gusto niyang magkaroon sila ng collaboration ni Alex someday. “We are talking but still no collaboration … someday gusto ko,” ani Fumiya.