• Home
  • Fresh Scoops
  • Fans are speculating that Janella Salvador and Markus Paterson are dating

Fans are speculating that Janella Salvador and Markus Paterson are dating

Boy Abunda invites Janella Savador and Markus Paterson to speak up amid speculations that the two are dating.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/6/2019 6:00 PM
Fans are speculating that Janella Salvador and Markus Paterson are dating


Sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ni King of Talk Boy Abunda ang tanong mula sa isang netizen kung nagde-date na nga ba si Janella Salvador at Markus Paterson. Ayon sa netizen “spotted” niya kasing magkasama si Janella at Markus sa isang mall.

Ayon kay Boy, March pa lang ay usap-usapan na ng fans ang possible romance between Janella and Markus. “As early as March, fans have already speculated about a possible romance between Markus and Janella Salvador,” sabi ni Boy.

“Last week of May, they both posted photos of a trip to Japan,” pagpapatuloy pa ng batikang host. 

Hindi man daw magkasama sa mga posts nila sa social media, may mga detalyeng napansin ang fans na nagsasabing magkasama nga sina Janella at Markus sa nasabing trip. “Fans were quick to point out details na tila nagkukumpirmang magkasama sila,” ayon sa batikang host. 

Unang detalye daw na napansin ng fans ang reflection ni Janella sa glass window sa tren kung saan kuha ang isang picture ni Markus.

Sa isang Instagram story naman ay makikita si Janella na inaakbayan ng isang braso na naka-leather jacket at may caption na “I love this girl so much.” Ayon diumano sa mga fans ay kapareho ang leather jacket na suot ni Markus sa isang post niya na may kasama siyang aso. 

May mga tweets din na nagsasabing spotted si Janella na nagdi-dinner kasama ang family ni Markus.

Ano naman kaya ang masasabi ni Tito Boy sa mga spekulasyon ng fans? “They are both single, they both look good together. If they enjoy each other’s company good for them, wag na natin silang pangunahan,” ani Boy. 

Pero mensahe ni Boy para kay Janella at Markus, “Janella and Markus, bukas ang TWBA para sa inyong mga kwento or better yet, tara usap tayo.