Derek Ramsay, pinalayas nga ba ang ex-girlfriend sa bahay?

Nilinaw ni Derek Ramsay na walang sigawan at murahang nangyari sa pag-alis ng ex-girlfriend sa kanyang bahay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/6/2019 11:38 AM
Derek Ramsay, pinalayas nga ba ang ex-girlfriend sa bahay?


Photo credit: @ramsayderek07 IG

Nilinaw ni Derek Ramsay na naging maganda ang paghihiwalay nila ng ex-girlfriend na si Joanne Villablanca. Hindi rin daw ito basta-basta na lang lumayas at lalong hindi niya ito pinalayas sa kanyang bahay.

“Parang pinalabas kasi na she packed up her stuff and left when I went to La Union for work. Excuse me, that’s not true,” paliwanag ng hunky actor.

Wala rin daw sigawan at murahang nangyari dahil pareho naman silang civil sa isa’t isa.

“We broke up before I left for La Union. We rarely spoke before I left for La Union and the time that I was in La Union was the time that she would use to move out of the house.

“Yon yung kasunduan namin, yon yung pinag-usapan namin. Walang sigawan, walang murahan, walang ganun.

“Ang usapan is when I’m gone, take your time to move your things out of the house. I didn’t get her stuff and throw it outside the house, wow!” lahad ni Derek.

Live-in noon sina Derek at Joanne sa bahay na ipinatayo ng aktor na mayroong 7 rooms na supposedly ay para sa kanilang magiging pamilya ni Joanne.

Ayon sa aktor, hindi pa niya alam kung anong gagawin sa bahay, pero posible raw na ibenta niya na lang ito.

Paano ba niya hina-handle ang isang break-up?

“Some people will handle break-ups, ‘Ah, labas tayo, walwal.’ Ako, I go home. Why? That’s the toughest place to be, so hit it straight on it. If you can get over that feeling in the house then you’re okay.

“Labas ka, walwal ka, balik ka sa bahay, yon na naman ang problema, tinatakbuhan mo lang ang problema mo. At least sa bahay safe ka pa,” katwiran pa niya.

Tanggap din ni Derek na maaaring hindi raw talaga sila ni Joanne ang itinadhana kaya kailangang mag-move-on.

“It’s what I’m saying. I’m sad, it breaks my heart, but get on your feet, move on, we’re all designed to love,” he said.

“My dad always told me, what kind of man are you if you going to cry about something like this? How about everything else that is build around you – your success, your family, your son – di ba?

“Yes it’s sad, I’m sad. Did I want it to work out? Yes, I wanted it to work out, but since it didn’t should I make my life miserable? And the same thing goes to Jo, she’s doing the same thing.

“Look at her, she’s back on her feet, she’s doing what she loves to do and that’s how she should live her life,” huling pahayag ni Derek sa PUSH.