Danilo Barrios, magbabalik na nga ba sa showbiz?

Danilo Barrios, magbabalik na nga ba sa showbiz?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/6/2019 1:45 PM
Danilo Barrios, magbabalik na nga ba sa showbiz?


Inamin ng isa sa mga miyembro ng ‘90s all male dance group na Streetboys na si Danilo Barrios na dumarating ang pagkakataon na nami-miss din niya ang mundo ng showbiz.

Kasunod ito ng kanyang naging special appearance sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home: Extra Sweet kasama si Jhong Hilario.

Kuwento ni Danilo na abala na ngayon sa kanyang Tatiomax skin whitening business, tila nagbalik ang kanyang pananabik na magbalik sa showbiz.

 

 

“Oo nakakamiss talaga, sobrang nakaka-miss. tapos noong pag-punta ko dito (sa taping) maaga pa ‘yung call time ko, hindi talaga ako nakatulog, sobrang excited siguro. Ang dami ko na pack na baggage (for shoot),” aniya sa panayam ng PUSH.

“Tapos sabi sa akin ‘ito lang ang eksena mo’, sabi ko ‘ah okay sige po magbabawas nalang po ako,’ pero at the same time, napakasarap sa feeling na makatuntong ulit sa ABS-CBN,” sabi pa niya.

At dahil tutok na sa kanyang personal na buhay at negosyo, kuwento ni Danilo na may mga pagkakataon na tumanggi din siya sa mga alok na role sa kanya.

“Actually meron naman, pero ang main focus kasi may business na tapos may mga bata ng maliliit na, kung isisiksik pa ang pag-taping, baka lalong mawalan ng oras para sa mga kids lalo na ngayon na hating-hati talaga ang oras simula umaga hanggang pagtulog nasa business in between na kang ang nga bata,” aniya.

Ayon kay Danilo, nanatiling bukas ang kanyang puso sa muling pagbabalik showbiz.

“Siguro ‘pag nakaka-intindi na sila tapos alam na nila ang work, baka puwede na siguro, kung puwede pa,” pahayag pa ni Danilo.

Sa huli, baon ni Danilo sa kanyang personal na buhay ang mga turo at gabay ng direktor at tatay-tatayan sa showbiz na si Chito Roño