Angeline Quinto, nape-pressure na daw magka-love life?

Paliwanag ni Angeline Quinto, alam naman ng kaniyang Mama Bob na priority niya muna sa ngayon ang career.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/6/2019 1:25 PM
Angeline Quinto, nape-pressure na daw magka-love life?


Photo credit to @loveangelinequinto IG

Aminado ang Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto na nape-pressure rin siya sa tuwing sinasabi ng kaniyang Mama Bob na gusto na nitong mag-asawa na siya. Sinabi ito ng singer sa interview ng PUSH nitong Miyerkules, July 4 sa PUSH Bets Live.

"Lagi akong nape-pressure kasi kapag nagsasabi ang Mama Bob ng 'Bakit hindi ka pa mag-asawa?'

"Lagi kong sinasabi sa kaniya na ang dami ko pa kasing trabaho, so alam din naman kasi ng Mama Bob ko kung gaano ko katagal inantay itong moment na 'to. So yun talaga yung priority ko, yung trabaho ko," paliwanag ni Angeline na sinabing kasalukuyan siyang single. 

Si Mama Bob ang tumayong nanay ni Angeline simula bata pa ito, kaya't para sa Star Power Grand champion, malaki ang pasasalamat niya rito hanggang ngayon.

"Walang kapantay yun. Palagi kong ipinagmamalaki kahit noon ang Mama Bob ko. Sinasabi nga nila sa akin na 'Ang suwerte-suwerte ng Mama Bob mo kasi nga inadopt ka niya,' kasi ganito kami ngayon. Pero ang lagi ko naman sinasabi, kung sinasabi niyong suwerte ang Mama Bob ko, mas suwerte ako na sa kaniya ako napunta.

"Kasi kung wala pong Mama Bob, ay wala pong Angeline," kuwento ng singer. 

READ: Angeline Quinto, nagsalita tungkol sa pagkawala niya sa ASAP Natin ‘To

READ: EXCLUSIVE: K Brosas at Angeline Quinto, nagpapapayat daw para sa kanilang concert?

 

 

Panoorin ang buong interview dito:

Samantala, sa parehong guesting din ni Angeline, kasama si K Brosas sa PUSH Bets Live, ay sumabak ang dalawa sa challenge na Sing Mo Mukha Mo. Dito ay tinukso ni K Brosas si Angeline sa lumabas na litrato ng dating rumored ex boyfriend nitong si Erik Santos. Habang ang kantang 'Sayang na Sayang' ang sinagot ni Angeline sa litrato ni Erik. 

READ: WATCH: Erik Santos serenades Angeline Quinto during his concert

Magkasama sa para sa concert na Angeline K To Concert Namin To! sina Angeline at K, sa July 12, sa Araneta Coliseum.