• Home
  • Fresh Scoops
  • Showbiz at love life, hindi priority ngayon ni Juliana Gomez

Showbiz at love life, hindi priority ngayon ni Juliana Gomez

Binigyang linaw din ni Juliana Gomez ang real score sa kanila ni Andres Muhlach at sa na-udlot na pagkakaibigan nila ni Marco Gallo.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/5/2019 11:48 AM
Showbiz at love life, hindi priority ngayon ni Juliana Gomez


Photo credit: @gomezjuliana on Instagram

Focus muna sa pag-aaral ngayon ang only daughter ng celebrity couple na sina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na si Juliana Gomez na planado na ang pag-pasok sa University of the Philippines.

Kuwento ni Juliana, isa ang pag-aaral niya sa Pilipinas sa mga special requests ng kanyang parents na sina Richard at Lucy.

“I’m staying here I’m going to be studying at UP,” tugon ni Juliana.

“I think it’s that’s they wanted also e, they don’t want me to leave and they’re lucky because they don’t want me to leave,” pabirong sabi pa ni Juliana.

Ayon pa kay Juliana, no pressure din ang kanyang mga magulang sa kanyang mga desisyon sa pagpili ng kukuhanin na course sa college.

“They just want me to work hard and do my best. And I don’t get pressure with them naman,” sabi pa niya.

Bukod sa pag-aaral, nagbigay kuwento din si Juliana sa pinag-usapan na date nila sa Prom night ni Andres Muhlach na anak naman nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.

LOOK: Juliana Gomez goes to the prom with Andres Muhlach

Ayon kay Juliana, pinag-paalam siya ni Andres sa kanyang ama na si Richard Gomez.

“He just contacted, casual lang like ‘hey want to go to prom’ and I said ‘yeah why not’, but prior to that, he contacted my dad that’s what happened,” kuwento pa ni Juliana.

At para sa mga tumutukso sa kanya kay Andres, ayon kay Juliana wala pa ito sa kanyang priorities ngayon.

“I don’t think (laughs) we’re really really just friends, iba pa ‘yung priorities namin. (What are your priorities?) School,” sabi pa niya.

At bilang mga showbiz royalty, napag-uusapan din ni Andres at Juliana ang pag-pasok sa mundo ng showbiz gaya ng kanilang mga magulang.

READ: Juliana Gomez, open sa posibilidad na pumasok sa showbiz

“It actually came up along our conversation, but we didn’t talk about being pressured we just talked about what we’re planning to pursue or anything. And we both of us have plan of entering (showbiz) if ever,” sabi pa ni Juliana.

Bukod sa pag-aaral at naging prom night kasama si Andres Muhlach, binigyang linaw din ni Juliana ang naudlot na special friendship nila ni Marco Gallo.

READ: Marco Gallo, inaming naging official sila ni Juliana Gomez

“Yeah we saw each other, in Wanderland we bumped into each other and we’re okay,” sabi pa niya.

Ayon pa kay Juliana, “We’re not as close like before. it’s just a natural thing, it’s the same type of friendship but there’s a friendship,” pahayag pa ni Juliana