• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli, balik trabaho matapos ang Scout Ranger training

Matteo Guidicelli, balik trabaho matapos ang Scout Ranger training

Balik showbiz na ngayon ang aktor na si Matteo Guidicelli mahigit isang buwan matapos ang kanyang Army Scout Ranger Training.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/5/2019 1:02 PM
Matteo Guidicelli, balik trabaho matapos ang Scout Ranger training


Photo credit: @matteog on Instagram

Balik showbiz na ngayon ang aktor na si Matteo Guidicelli mahigit isang buwan matapos ang kanyang Army Scout Ranger Training.

Sa Instagram nitong Huwebes, ibinalita ni Matteo ang kanyang pagbisita sa Viva headquarters upang pag-usapan ang mga susunod niyang proyekto kasama ang manager na si Vic del Rosario. 

"Greeting my manager with the traditional #TusokUlo aka Rangers Bow. Back in the [Viva] office today to discuss future projects with Boss Vic," aniya. 

 

Huling nakita ang 29-year-old star sa primetime series na Bagani bilang si Lakam. Tampok din siya bilang ka-love team ni Shaina Magdayao sa pelikulang Single Single: Love Is Not Enough noong Mayo ng nakaraang taon. 

Nakatakda namang bumida si Matteo sa tropical crime comedy na Mina Anud kasama sina Dennis Trillo at Jerald Napoles. Ipapalabas ito ngayong taon sa direksyon ni Kerwin Go.

WATCH: Matteo Guidicelli and Dennis Trillo’s in ‘Mina Anud’ teaser trailer