Gazini Ganados, aminadong dumaan din sa awkward stage

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/5/2019 11:43 AM
Gazini Ganados, aminadong dumaan din sa awkward stage


Photo credit: @gazini on Instagram

Kalmado na sinagot ni 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados ang mga tanong ng pageant media sa mga issues na kailangan niyang harapin. 

Una na dito ang matinding pressure ng Miss Universe fans na umaasa na muling masusungkit ang korona para sa back-to-back win ng Pilipinas sa Miss Universe.

 

“That is because Miss Universe is the highest coveted crown, so I understand that everyone has their own opinion about the Universe crown but I am not affected because solely I started with Bb. Pilipinas with a lot of people backing me already,” sabi pa ni Gazini.

Inspirasyon din ni Gazini ang kanyang pinagdaanan na awkward stage noong kanyang teenager days.

Matatandaan na kamakailan, hot topic din ang pag-alis ni Gazini ng kanyang make-up sa naging guesting niya sa Tonight With Boy Abunda.

“Even in the everyday moment if our life I still have that moment where I question myself, I doubt my work. But at the end of the day I love what I’m doing,” sabi pa ng 2019 Miss Universe Philippines.

Short and sweet naman nang sagutin ng reigning Miss Universe Philippines ang mga negative comments na patuloy na ibinabato sa kanya.

“I got used to it so right now I don’t handle them,” pahayag pa niya.

Inspirasyon ni Gazini ang mga supporters niya na patuloy na naniniwala sa kanyang kakayanan na muling maiuuuwi ang Miss Universe Crown.

Sa ngayon, under training na si Gazini bilang maagang paghahanda sa nalalapit na kompetisyon.