• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: K Brosas at Angeline Quinto, nagpapapayat daw para sa kanilang concert?

EXCLUSIVE: K Brosas at Angeline Quinto, nagpapapayat daw para sa kanilang concert?

Bukod sa biritan at tawanan, dapat din daw abangan ang mga pasabog na outfits na gagamitin nila K Brosas at Angeline Quinto, sa kanilang kauna-unahang joint concert sa Big Dome.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/5/2019 11:10 AM
EXCLUSIVE: K Brosas at Angeline Quinto, nagpapapayat daw para sa kanilang concert?


Ikinuwento nina K Brosas at Angeline Quinto ang paghahandang ginagawa para sa kanilang kauna-unahang concert sa Big Dome, ang Angeline K To Concert Namin To! Ayon sa dalawa, parte ng kanilang paghahanda ang pagda-diet dahil sa surpresang production number nila.

"Kaya [namin] ginagawa yung pagpapapayat din kasi may production number kami na gagawin. Si ate K lotion lang [ang suot] ako naman, langis," pabirong pahayag ni Angeline sa interview ng PUSH.

Para naman kay K, plano niyang magkaroon ng "me time" o pahanong mananahimik lang siya tatlong araw bago ang mismong concert. "Sa ngayon kasi sobrang hectic talaga ng schedule, sobrang dire-diretso yung ginagawa natin, which wala naman akong problema.

"Ang paghahanda ko talaga is, mga three days before, gusto ko sanang manahimik. Kasi maingay talaga ako e, kaya ninamnam ko yung oras kapag ako lang mag-isa, yung me-time," kuwento ni K.

Parehong binanggit din nina Angeline at K Brosas na dapat ding abangan ang mga susuoting outfits nila sa concert.

READ: Angeline Quinto at K Brosas, nakabonding ang kanilang fans

 

Samantala, ni-reveal din ng dalawa sa episode ng PUSH Bets Live, na magkakaroon ng world tour ang naturang concert nila pagkatapos ng Manila run sa July 12. 

Panoorin dito ang buong interview:

Mapapanood ang Angeline K To Concert Namin To! sa July 12 sa Araneta Colisuem. Magiging guest artists ng concert sina Empoy Marquez, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Hashtags.