• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Does Sue Ramirez consider ‘Cuddle Weather’ an acting piece?

EXCLUSIVE: Does Sue Ramirez consider ‘Cuddle Weather’ an acting piece?

Gaano ka-daring ang bagong role ni Sue Ramirez?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/5/2019 10:50 AM
EXCLUSIVE: Does Sue Ramirez consider ‘Cuddle Weather’ an acting piece?


Photo credit: @sueannadoodles on Instagram/ Pista ng Pelikulang Pilipino's FB Page

Daring ang role ng Star Magic artist na si Sue Ramirez sa pelikulang Cuddle Weather, isa sa entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino. Leading man ni Sue sa Cuddle Weather si RK Bagatsing.

Ayon sa dalaga, totoong daring ang pelikula, pero wala naman daw siyang breast exposure at frontal dito.

“Definitely it’s not that kind of movie. It’s going to be… ah, di ko kayang sabihin na wholesome na bastos, pero basta, pag napanood n’yo magi-gets n’yo,” medyo malabo niyang paliwanag.

“It’s more of the language (yung pagka-daring) at saka execution talaga. So, malaking bagay talaga na pinagmimitingan kung paano gagawin ang eksena, kasi you really have to protect yung mga actors involved do’n sa scene.

“Kailangan mo lang talagang magtiwala kasi alam ko namang poprotektahan ako ng Star Magic, poprotektahan ako ng Project 8 at Regal, so no doubts,” dagdag niyang paliwanag.

Base sa deskripsyon ng director ng Cuddle Weather na si Rod Marmol, kung sino man ang aktres na magpo-portray ng role ni Adela sa pelkula ay siguradong mapapansin ang acting.

Kino-consider ba ni Sue na acting piece ang gagawin niya sa bagong pelikula?

“Every project that I take on, I think is an acting piece. So, lahat yon, yung level of professionalism, level of efforts na gagawin ko sa bawat pelikulang ginagawa ko is the same,” katwiran ni Sue.

Dugtong niya, “What I have to do is kung ano yung hinihingi nila sa akin I had to deliver. And I don’t want to be disappointed in myself because I didn’t give 100 percent.

“That’s what exciting about this film, because people don’t know what to expect in this movie. You will definitely see something that you’ve never seen before.”

Kaagad din daw siyang na-in love sa istorya ng pelikula habang binabasa pa lang niya ang script.

Aniya, “Ang ganda ng movie, binabasa pa lang namin yung script grabe na yung halakhak namin. Love story siya ng dalawang pokpok – paano sila mabubuhay sa araw-araw na nagmamahalan?

“Kasi ginagawa na nila yon, eh, alam mo yon? Kumbaga, trabaho na nila bilang sex worker na ginagawa mo yon bilang act of love or an act of pleasure, pero pag uwi mo mag-isa ka, wala kang kayakap, walang taong nandiyan.

 “Hindi lang siya about the love scene, about the kissing scene. Hindi lang siya about the sexy outfits, it’s not about that.

“Of course, may mga sensitive scenes, but of course, we’re not really doing them, we’re actors. 

“We’re going to show you something that looks ‘extremely real” and we’re going to make you feel that ‘extremely real’ feeling that we want to give of, so you just have to trust, no judgment and enjoy what you’re about to watch. Yon lang talaga yung gusto kong mangyari,” huling pahayag ni Sue sa PUSH.