• Home
  • Fresh Scoops
  • Denise Laurel, mamamagitan nga ba pagmamahalan nina Cardo at Alyana?

Denise Laurel, mamamagitan nga ba pagmamahalan nina Cardo at Alyana?

Denise Laurel, nag-audition kay Tito Boy bilang Valentina

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/5/2019 2:22 PM
Denise Laurel, mamamagitan nga ba pagmamahalan nina Cardo at Alyana?


Sa Tonight with Boy Abunda,  hindi kinonfirm ni Denise Laurel kung siya nga ang mamamagitan sa pagmamahalan nina Cardo at Alyana sa Ang Probinsyano. “Hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin,” aniya.

READ: Kilalanin ang mga bagong karakter sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Pero sobra naman ang pasasalamat ni Denise na kaparte na siya ngayon ng isa sa mga hit serye ng Kapamilya network. “Sobrang happy ako and thankful that finally I’m part of the show,” ayon sa aktres.

  “I love the show. The energy over there, yung vibe, yung work ethic. Yung bilis ng takbo ng set is riveting and fun,” dagdag pa niya.

Isa pang rason kung bakit excited si Denise maging kabilang ng Ang Probinsyano ay dahil daw action talaga ang “forte” ng aktres.

Gusto rin kaya ni Denise gumanap bilang Darna kung sakali? “I admire the role of Darna. I grew up watching Ms. Anjanette (Abayari) and Angel but I think that would be untouchable for me. I have so much respect for the role.”

Kung papipiliin naman si Denise ay ibang role sa Darna ang gusto niyang ganapan. “I would love to be either Black Darna or Valentina,” ani Denise.

READ: Denise Laurel is game to play Valentina in ‘Darna’

Binigyan din siya ng pagkakataon ni King of Talk Boy Abunda na “mag-audition” sa role at na-impress ang host kay Denise.

TWBA: Denise Laurel, mas interesado maging Valentina kaysa Darna