• Home
  • Fresh Scoops
  • Dawn Zulueta’s top secret on how to stay beautiful: ‘Di ako nagtatanim ng sama ng loob’

Dawn Zulueta’s top secret on how to stay beautiful: ‘Di ako nagtatanim ng sama ng loob’

Quantity and quality time daw ang kailangan para sa masayang family life ayon kay Dawn Zulueta

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/5/2019 10:55 AM
Dawn Zulueta’s top secret on how to stay beautiful: ‘Di ako nagtatanim ng sama ng loob’


Photo credit: @dawnzulueta on Instagram

At her age (she’s already 50) ay leading lady material pa rin ang aktres na si Dawn Zulueta.

Ayon sa aktres, wala siyang alam na sikreto kung bakit kinukuha pa rin siya ng mga film producers na magbida sa pelikula at ipareha sa iba’t ibang aktor.

“I don’t know if I have a secret, really.  I think I’m just really fortunate that people find it interesting enough to pair me with them, so I’m fortunate,” reaksyon pa niya.

Maging ang komento ng netizens sa throwback photos niya na nag-viral kamakailan lang kung saan lutang na lutang pa rin ang kanyang youthful glow at kagandahan ay wala rin daw sikreto.

“Madalas tanungin sa akin yan, kung may secrets daw ba ako diyan, pero wala talaga,” natatawa niyang pahayag.

Dagdag pa niya, “I really don’t have a secret. I guess my only secret lang is hindi ako nagtatanim ng sama ng loob. So, siguro that’s a secret.

“Masaya ako palagi, I will make it a point. I’m not saying my life is perfect but I do know how to always see the sunny side of things.”

Matibay pa rin hanggang ngayon ang pagsasama ni Dawn at ng politician-businessman husband na si Anton Lagdameo Jr. Ano ba ang sikreto ng matatag nilang relasyon?

“I believe in respect. Well, part of respect from one another is yung you always… still make an effort for your family. I think that’s very important. Hindi yung masyadong nagre-relax porke matagal na kayong magkasama. Kailangan palaging make the flame alive,” pagbabahagi ni Dawn.

“Also, idadagdag ko rin, siguro yung quantity time, it’s also important. Aside from having quality time, I think importante rin that you really make the time also to be with your family as often as you can,” she said.

Dapat din daw na nando’n siya bilang parent para sa kanyang dalawang anak habang lumalaki ang mga ito.

“Sayang naman if you miss out that. Kailangan nando’n tayo para makatulong creating those memories for them, kasi yon yung dadalhin nila when they’re older.

“I’m very fortunate, I still have happy childhood memories to look back to and that’s actually what keeps me strong in the tough times. So I think as parents yan din yung kailangan nating iwanan sa mga anak natin – pampatatag para sa kanila,” patuloy niyang pagbabahagi.

Eh, kailan naman niya balak gumawa ulit ng teleserye pagkatapos niyang lumabas pansamantala sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang misis ni President Oscar Hidalgo?

“May offer naman, but recenty sa mga offers hindi ko lang nagugustuhan yung mga istorya. Siguro if a good offer comes along, a nice story, maybe,” huling tinuran ng aktres sa PUSH.