• Home
  • Fresh Scoops
  • Alfred Vargas, aminadong minaliit noon bilang public servant

Alfred Vargas, aminadong minaliit noon bilang public servant

Isa si Alfred Vargas sa mga aktor na pinalad makatawid sa mundo ng politika.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/5/2019 11:51 AM
Alfred Vargas, aminadong minaliit noon bilang public servant


Inspirado ngayon ang actor-politician na si Alfred Vargas na isa sa mga celebrity na sinuwerteng makapasok sa mundo ng politika.

Matatandaan na muling nagwagi si Alfred sa kanyang pang tatlong termino bilang Quezon City 5th District representative. Aniya, hindi naging madali ang kanyang journey bilang isang actor na pumasok sa pulitika.

Kuwento niya, ramdam niya ang maliit na pag-tingin sa kanya noong siya ay nagsisimula pa lamang sa kanyang serbisyo sa pamahalaan.

“Oo naman, noong una medyo nasaktan ako e, parang grabe pala ang baba pala talaga ng tingin nila (sa taga showbiz) lalo na ang mga elitista, na surprise nga ako e. Kasi ‘yung iba sikat na personality mababa din pala ang tingin nila,” bungad ni Alfred sa panayam ng PUSH at ilang entertainment press.

“Pero instead na ma-apektuhan pa ako I used it as a fuel, para ma-improve ko pa ang sarili ko and mapatunayan na ‘yung mga ganun mag-isip na mali sila. Kasi alam mo, unang una, para sa akin pag artista ka, alam ko hindi ka bobo, napakahirap maging artista,” patuloy pa niyang kuwento.

At bilang isang kilalang aktor bago pasukin ang public service, naging baon din ni Alfred ang mga aral na natutunan noon sa kanyang buhay politician.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

“Most Outstanding Public Servant Award 2018” 🙏🏽🙏🏽🙏🏽 Thank you, PC Good Heart Foundation International, for this award. I am deeply humbled and inspired by this recognition. Public service is one of the most fulfilling things one can ever do. I thank God and the people of Novaliches for giving me the chance to serve. I promise to continue doing my best and giving my best in everything I do in effecting positive change in our community. Thank you for the love and for the trust ❤️ #grateful #actionvision #alfredvargas #parasabayan #servicetohumanityisthebestworkoflife #lovetoserve #ilovenova #iloveqc

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial) on

 

“Akala lang nila kapag napapanood sa TV, sa pelikula akala nila madali lang ang ginagawa natin, hindi e. It takes talent, brilliance and a lot of discipline, and ito ‘yung mga gamit ko sa public service and so far, maganda naman ang naging performance natin,” aniya pa.

Abala man daw ngayon sa kanyang pag-lingkod bayan, hindi pa din daw tatalikuran ni Alfred ang mundo ng showbiz na kanyang kinagisnan.

“Hindi ko kaya talaga na iwan ang ating industriya, kasi una passion ko talaga ang acting mayroon akong creative thirst and I’m learning to do creative work that’s through acting either in movie or in television, kailangan ko mapunan ‘yun,” sabi pa ni Alfred.

“Pangalawa, kailangan ko ng sustainable livelihood, kasi ‘yung kinikita natin dito sa House of Representatives, is not enough para sa tatlong anak ko and I want to give my family specially my wife a comfortable life and gusto ko makapag-aral ng maigi ang aking mga anak and honestly speaking, kailangan ko pa din ang kita ng isang artista,” paliwanag pa ng actor politician.

Sa ngayon, kakatapos lang ni Alfred sa shoot ng pelikulang Kaputol sa direksyon ni Mac Alejandre at isang pelikula din ang niluluto kasama naman si Shaina Magdayao.