Vice Ganda, na-ospital kaya wala sa ‘It’s Showtime’

Vice Ganda absent sa It’s Showtime ng tatlong araw dahil sa iniindang karamdaman.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/4/2019 8:53 AM
Vice Ganda, na-ospital kaya wala sa ‘It’s Showtime’


Photo credit: @praybeytbenjamin on Instagram

Kapansin-pansin ang pagkawala ni Vice Ganda ngayong linggo sa It’s Showtime at kinumpirma ng komedyante sa kanyang Twitter kahapon, Hulyo 3, na siya ay na-confine sa ospital.

Pinasalamatan ni Vice ang mga gumamot sa kanya sa The Medical City ngayong linggo.

“Thank you very much to all the wonderful doctors, nurses and staff of The Medical City for taking good care of me for three days. Ang babait at ang aliwalas n'yo. God bless you guys! Uwian na!" aniya. 

 

Nitong Sabado ay inamin niya sa programang Idol Philippines kung saan isa siya sa mga hurado, na masama na ang kanyang pakiramdam ngunit kinailangan niyang sumipot dahil hinihiling ng kanyang trabaho. Kinaya pa niyang pumasok hanggang Linggo ngunit hindi na kinaya pang mag-host sa noontime show nitong Lunes.

Nag-upload in si Vice sa kanyang Instagram Story ng ilang videos kung saan siya ay nag-uunder go ng ilang tests sa ospital. 

Video courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram

Hindi naman niya idinetalye pa kung ano ang kanyang naging sakit. 

Last year, ganitong buwan din nang ma-ospital ang komedyante dahil sa sobrang sakit ng tiyan. Na-operahan din siya bago nito sa bato. 

READ: Vice Ganda naospital muli

Kasama naman sa ospital ni Vice ang na lilink sa kanya na It’s Showtime personality na si Ion Perez at ang kanyang anak-anakan na si Ryan Bang.

Photo credit: @pereziion27 on Instagram