Isa-isa nang inilabas ng Cinemalaya Independent film festival ang official poster ng mga pelikulang kalahok sa ika-15 taon ng prestihiyosong independent film festival sa Pilipinas.
Sa official Instagram post ng Cinemalaya, inisa-isa na nito ang mga maagang patikim sa mga pelikulang mapapanood simula ngayong August.
Mas espesyal ngayong taon ang edisyon ng Cinemalaya dahil sa mas pinarami pang pelikula na mapapanood.
Magbubukas ang 2019 Cinemalaya Film Festival mula August 2 hanggang 13.