• Home
  • Fresh Scoops
  • Seth Fedelin, inaming naging emosyonal nang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

Seth Fedelin, inaming naging emosyonal nang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

Ex-PBB Otso teen housemate Seth Fedelin muntik nang maging emosyonal habang kinukuwento ang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/4/2019 11:58 AM
Seth Fedelin, inaming naging emosyonal nang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN


Patuloy na nagpapasalamat sa Kapamilya Network ang Ex-Pinoy Big Brother Otso teen housemate na si Seth Fedelin sa bagong oportunidad na natanggap mula nang umalis sa Bahay Ni Kuya.

"Sobrang happy kasi parang hindi ko ineexpect yung ganon. Yung makapasok nga lang sa Bahay ni Kuya hindi ko ineexpect po, tapos pinagkaloob pa sa akin yung ganung blessing," pahayag ni Seth sa interview sa kaniya ng mga momshie hosts sa Magandang Buhay kahapon, July 3. 

Ayon kay Seth, ginawa niyang surpresa para sa mga magulang ang pagpirma ng exclusive contract sa ABS-CBN nitong nakaraang buwan. Pag-amin din niya, naging emosyonal siya nang malaman kung gaano naging proud sa kaniya ang mga magulang.

"Yung maramdaman mo lahat ng sinakripisyo nila (magulang) sa iyo. Yung parang lahat ng pinagdaanan namin, bumalik sa akin. Tapos yun yung parang—kaya andito ako ngayon, kausap kayo. Yun ang nagmo-motivate sa akin kung bakit ko ginagawa yung ganitong trabaho po," muntik na maluhang sabi ni Seth.

Si Seth ay kasama sa sikat na teleseryeng Kadenang Ginto. Siya rin ang bumuo ng bagong barkada team na Gold Squad, kasama sina Francine Diaz, Kyle Echarri, at ang kaniyang bagong ka-love team na si Andrea Brillantes. 

Samantala, sa parehong interview din sa morning talk show ay ikinuwento ni Seth na plano niya noon maging sea man, kung hindi man siya natuloy sa pag-aartista. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maraming salamat po sa tiwala na pinagkaloob nyo sa akin sir @montie08 mam Cory Vidanes, sir Carlo Katigbak kay @direklauren sir @raymdizon Boss Mark Lopez at Kay Mr. M, star magic, isa pong malaking pagkakataon po ito para unti unting matupad ang pangarap ko at para sa pamilya ko, at sa mga taong sumusuporta po sa akin, Salamat din sa manager ko tito @mariocolmenares sa kuya kong r.m. @immarkcoleta na laging nanjan para sa akin. Sa tropa ko sa kadenang ginto at sa Gold Squad mahal na mahal ko kayo salamat sa pagpapalakas nang loob mam @carlmerced kina mam @caticaticatzzzzzz direk @jerrylopezsineneng direk @jojosaguin direk @korekkajohn at sa staff na mapagmahal 😊 Mama @cynthiabear915 mam @bonitamuf @starhuntabscbn @pbbabscbntv salamat sa suporta. Sa Abandoned team maraming salamat po @quantumfilmsph direk @kipoebanda mama @beauty_gonzalez ate @patsumagui @attyjoji @ethelme Lord thank you Po 🙏🏻

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin) on

 

READ: Seth Fedelin, balak mag home study para hindi mapabayaan ang pag-aaral

READ: Gold Squad members Seth Fedelin at Andrea Brillantes, mabilis daw na naging close sa isa’t-isa

Mapapanood si Seth sa Kadenang Ginto, araw-araw sa Kapamilya Gold. Kasama ang mga ka-Gold Squad, masusubaybayan din siya sa YouTube Channel ng Gold Squad.