• Home
  • Fresh Scoops
  • Morissette Amon, balik-bansa na matapos ang back-to-back international projects

Morissette Amon, balik-bansa na matapos ang back-to-back international projects

Morissette Amon, balik-bansa na at paghahandaan na ang 10th anniversary celebration

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/4/2019 12:26 PM
Morissette Amon, balik-bansa na matapos ang back-to-back international projects


Photo credit: @itsmorissette on Instagram (L)

Sa ulat ni MJ Felipe para sa TV Patrol, balik-bansa na si Morisette Amon matapos ang back-to-back international projects.

Una na ang pagkanta ni Morissette sa pelikulang Aladdin kung saan pinuri siya ng bida sa pelikula na si Will Smith at ang composer ng “A Whole New World” theme song na si Alan Menken. Maging si Lea Salonga na original na singer ng kanta ay approved daw sa version ni Morissette. 

READ: Morissette, Darren Espanto sing Aladdin’s iconic soundtrack for a new generation

"Just to be able to give my own twist and represent the country in a classic... Of course, to be able to give another twist to a Lea Salonga classic, so I’m just really really grateful," ani Morissette.

Hindi lang kumanta kundi nag-mentor at co-host din si Morissette kasama ang legendary singer na si Michael Bolton sa second season ng Bold of Talent.

"It's a new experience just getting to mentor, to co-host," ani Amon.

"It's challenging pero it's nice to be able to relate to the contestants kasi ako mismo, galing ako sa singing competition," dagdag niya.

Grateful si Amon sa mga opportunities na ito sa career niya pero sabik na siya ngayong magbalik studio at mag-record ng mga orihinal na kanta. Lalo na’t malapit na ang kanyang 10th year anniversary sa show business. 

Pinagdadasal daw si Morissette na magkaraoon siya ng isang anniversary concert para sa kanyang mga supporters.