• Home
  • Fresh Scoops
  • Former PBB Otso housemate Hasna Cabral, tanggap ang pagkakamaling nagawa sa loob ng bahay ni Kuya

Former PBB Otso housemate Hasna Cabral, tanggap ang pagkakamaling nagawa sa loob ng bahay ni Kuya

Former PBB Otso housemate Hasna Cabral: ‘Masama po yung pangunguha ng pinaghirapan ng iba.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/4/2019 12:20 PM
Former PBB Otso housemate Hasna Cabral, tanggap ang pagkakamaling nagawa sa loob ng bahay ni Kuya


Sa Tonight with Boy Abunda, hinarap ni former Pinoy Big Brother Otso housemate Hasna Cabral ang mga akusasyon laban sa kanya. May kinalaman ito sa ginawa niyang pagkuha ng bricks mula sa kabilang team sa isang activity sa loob ng bahay ni Kuya. 

Sinabi niya na tinatanggap niya at valid para sa kanya ang comments ng lahat ng netizens. Ginagamit din daw niya ito para pagbutihin ang kanyang sarili. “All comments ginagamit ko siya to make myself a better a person,” ani Hasna. 

READ: Vice Ganda becomes emotional upon meeting PBB housemate Hasna Cabral

Pinaliwanag din ni Hasna ang nangyari. “Wala po kasing clear na rules talaga si Kuya… (Sabi po niya) Diskarte po namin kung papaano po namin papataasin yung tower namin,” kuwento niya. 

“Nakita namin na may loophole siya so we thought it’s agawan,” dagdag ni Hasna. 

Klinaro din niya na nagtanong ang team nila kaya Kuya. “Our group asked Kuya… so Kuya, okay lang po ba yung manguha po ng bricks? (Sagot ni Kuya) Kayo diskarte niyo yan,” kuwento pa ng former PBB housemate.

Pero matapos ang activity, narealize din daw nila Hasna na hindi na kailangan isulat sa rules ang ganitong bagay. “E hindi naman po talaga kailangan isulat sa rules na masama po yung pangunguha ng pinaghirapan ng iba,” sabi ni Hasna.   

“Which made us realize na oo nga naman. Hindi ko kailangan sabihin sa inyo na mali yun. Dapat alam po namin yun sa sarili namin,” ayon pa kay Hasna. 

Pagtatapos ni Hasna aminado siya na mali ang ginawa niya. “Sobrang tinanggap ko po yun,” aniya. 

Sa tanong naman na, “who are you when no one is watching?” Ito ang sagot ni Hasna na ulirang ina sa two kids with special needs: “I’m an ordinary mom with an extraordinary love for my two kids.” 

READ: PBB Otso ex-housemate Hasna Cabral, ikinuwento ang pagiging single mom sa dalawang anak na may special condition