• Home
  • Fresh Scoops
  • Zephanie Dimaranan reveals what she was thinking right before she was announced as first Idol Philippines winner

Zephanie Dimaranan reveals what she was thinking right before she was announced as first Idol Philippines winner

Zephanie Dimaranan: ‘Sinasabi ko po kay Lord na let Your will be done Lord.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/31/2019 11:42 AM
Zephanie Dimaranan reveals what she was thinking right before she was announced as first Idol Philippines winner


Sa Tonight with Boy Abunda, hindi pa raw nagsi-sink in sa first Idol Philippines winner Zephanie Dimaranan ang pagkapanalo niya. “Hindi pa po super nagsi-sink in sa akin. Sobrang bago niya pong feeling. Hindi ko po ma-imagine na nangyari na siya. Feeling ko po another live show lang,” ani Zephanie.

WATCH: PushTV: KILALANIN: Ang kauna-unahang Idol Philippines grand winner

Natutuwa rin siya dahil sa sinasabi ng mga netizens na kamukha niya si Kapamilya star Erich Gonzales. “Wow… may angle po na nakikita ko po, pero nakakatuwa po…” sabi ng young singer.

Sa mga huling moments din ng competition ay si Lord ang kinakausap ni Zephanie. “Sinasabi ko po kay Lord na let Your will be done Lord. Sinasabi ko po kay Lord na para sa kanya ‘to,” kwento ni Zephanie.

READ: Zephanie Dimaranan is the first Idol Philippines

Aminado rin si Zephanie na fan siya ng Kapamilya serye na Kadenang Ginto. Aminado rin siya na crush niya si Russell Reyes ng BoybandPH. “Siguro po si Kuya Russell Reyes ng BoybandPH kasi super naga-gwapuhan ako sa kanya and nakikita ko po siya na parang Kuya material. Siguro lumaki po ako na puro Ate po so parang naghahanap po ako ng feeling na may Kuya,” ani Zeph.