Si Osang ang gumaganap na Ina-inahan ni Jake Cuenca na gumaganap sa papel na Isagani.
Sa Instagram, nagpasalamat si O sa naging mainit na pagsuporta sa kanyang papel na minahal tuwing hapon na napanood sa halos ang isang taon.
“At dun na po nagtatapos ang role na ginampanan namin ni Efren Reyes bilang Irma at Bert ang mga magulang ni Isagani Esperanza. Maraming salamat sa lahat ng aming nakasama ,nakatrabaho, mga naging bahagi ng aming buhay sa loob ng halos isang taon. Miss ko na agad kayo lahat.” sabi ng aktres sa post.
Ayon pa kay Osang, labis niyang mamimis ang buong staff at crew ng programa na naging Kapamilya niya sa loob ng halos isang taon.
Pinasalamatan din ng aktres si Ruel S. Bayano na muling naniwala sa kanyang kakayahan bilang isang aktres.
“Maraming Maraming salamat sa pagtitiwala at paniniwala sa aking kakayahan, ibinangon mo ang pagkatao ko, Di kita bibiguin at di kita bibigyan ng pagkakataong magtampo ulit. Maraming Salamat sa inyong Lahat!!” bahagi ng pahayag ni Osang.
Matapos ang “Los Bastardos”, isang bagong proyekto na ang pagbibidahan ni Osang kasama si Jm De Guzman.