Rosanna Roces, namaalam na sa “Los Bastardos”

Isang malungkot na hapon ang napanood nitong Martes kung saan namaalam na ang karakter ni Rosanna Roces bilang si Irma.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/31/2019 8:32 AM
Rosanna Roces, namaalam na sa “Los Bastardos”


Si Osang ang gumaganap na Ina-inahan ni Jake Cuenca na gumaganap sa papel na Isagani.

Sa Instagram,  nagpasalamat si O sa naging mainit na pagsuporta sa kanyang papel na minahal tuwing hapon na napanood sa halos ang isang taon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

At dun na po nagtatapos ang role na ginampanan namin ni Efren Reyes bilang irma at bert..ang mga magulang ni isagani esperanza. Maraming salamat sa lahat ng aming nakasama ,nakatrabaho..mga naging bahagi ng aming buhay sa loob ng halos isang taon. Miss ko na agad kayo lahat. Mula sa mga direktor Raymund Ocampo Digo Ricio R.L RL Peralta at Dick Lindayag...hanggang sa Mahal kong Production designer na si Enrico Torralba at mga kasama. Wardrobe ..ate matu ate bella ..king. bobby and mama reggee make up artists na magagaling at magaganda ...Nieva..manuel..jess dexter gege... Sa mga utility namin na laging aligaga pag may hiningi kmi..yhuan carmel. Mga crew na masisipag at napaka gaang mga ka trabaho..mabuhay kayo !! Salamat sa regalo ng pakikisama at pakikipag kaibigan sa lahat ng mga artista..pamunuan ng #rsbdramaunit #losbastardos family..Mahal kayo lahat sa akin. Balik sa Dios ang Kapurihan at kay mam Maru Louver Asuncion Galarrita Ria Garcia at higit sa lahat kay Ruel santos Bayani #RsB Maraming Maraming salamat sa Pagtitiwala at Paniniwala sa aking kakayahan..ibinangon mo ang Pagkatao ko. Di kita bibiguin at di kita bibigyan ng pagkakataong magtampo. Ulit...Maraming Salamat sa inyong Lahat !!

A post shared by Rosanna Roces (@iamrosannaroces) on

“At dun na po nagtatapos ang role na ginampanan namin ni Efren Reyes bilang Irma at Bert ang mga magulang ni Isagani Esperanza. Maraming salamat sa lahat ng aming nakasama ,nakatrabaho, mga naging bahagi ng aming buhay sa loob ng halos isang taon. Miss ko na agad kayo lahat.” sabi ng aktres sa post.

Ayon pa kay Osang, labis niyang mamimis ang buong staff at crew ng programa na naging Kapamilya niya sa loob ng halos isang taon.

Pinasalamatan din ng aktres si Ruel S. Bayano na muling naniwala sa kanyang kakayahan bilang isang aktres.

“Maraming Maraming salamat sa pagtitiwala at paniniwala sa aking kakayahan, ibinangon mo ang pagkatao ko, Di kita bibiguin at di kita bibigyan ng pagkakataong magtampo ulit. Maraming Salamat sa inyong Lahat!!” bahagi ng pahayag ni Osang.

Matapos ang “Los Bastardos”, isang bagong proyekto na ang pagbibidahan ni Osang kasama si Jm De Guzman.