• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Mylene Dizon on doing love scenes in ‘Belle Douleur’: ‘Difficult, very difficult!’

EXCLUSIVE: Mylene Dizon on doing love scenes in ‘Belle Douleur’: ‘Difficult, very difficult!’

Kumusta ang paggawa ng love scenes nina Mylene Dizon at Kit Thompson?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/31/2019 11:00 AM
EXCLUSIVE: Mylene Dizon on doing love scenes in ‘Belle Douleur’: ‘Difficult, very difficult!’


Photo Credit: @missmylenedizon on IG

Masaya ang award-winning actress na si Mylene Dizon na at her age ay nabibigyan pa rin siya ng lead role sa pelikula. Si Mylene ang bida sa Belle Douleur na idinirek ni Atty. Joji Alonso na kalahok sa 15th Cinemalaya Independent Film Festival.

“I am flattered to still be cast for lead roles in an industry that does not cast older actors or push to be just a sideline to support the younger actors. Now, we are flattered to have now films that highlight our age group.

“I think it’s the good time for all actors not just the young ones because parang… and we can’t say that we are given the second chance, but maybe we are given a chance to portray role na nasa age namin,” simulang pahayag ng aktres sa exclusive interview ng PUSH.

Ang Belle Douleur ay isang May-December love affair kind of film. Kapareha ni Mylene sa film ang hunky actor na si Kit Thompson at aminado ang aktres na nahirapan siyang gawin ang love scenes nila ni Kit.

Bulalas ni Mylene, “Difficult… very difficult. Hindi naman madali ang love scene kahit kailan, eh. Never yan naging madali. It’s very intimate and personal, so it’s not an easy thing to share with the stranger.

“Siguro yung mindset mo na lang, this is work, kaya game! Na kapag tinagalan pa natin at aarte-arte tayo dito, tatagal lang, wala namang magbe-benefit kapag natagalan. So pasok na, gawin mo na lang. And then you adjust from there,” lahad ni Mylene.

Eh, kumusta naman si Kit sa kanilang intimate scenes?

“Confident yung bata naman sa katawan niya. Alam niyang pogi siya. Pag ganun yung katrabaho mo sa love scene magiging madali. Tsaka mas bata siya nang di hamak, mas active ang sex life niya nang di hamak sa ating lahat, so hindi mahirap,” sagot niya.

Pero ramdam daw niya na may mga pagkakataong nai-intimidate sa kanya ang binata.

“Maybe at some points may mga ganung instances and he just has to… Siguro, kasi ako mabilis akong magtrabaho at gusto ko mabilis magtrabaho, ayoko ng matagal.

“Doon siguro, maybe yes, I’m guilty of causing that discomfort siguro sa kanya. Eh, ganun talaga, kailangan niyang matuto nang mabilisan. Hindi puwedeng matagal kasi lahat ngayon tinitipid sa production.

“Pagdating naman sa acting, okey naman siya. He’s willing to try and that’s good. Pag sinabi sa kanya na iba yung hiningi na atake sa acting, he will comply. Hindi siya yung nagmamarunong na, ‘hindi, okey na ako, okey na yon.’ Hindi siya ganun at wala naman dapat talaga na ganun,” deskripsyon niya sa leading man.

Iginiit din ng aktres na hindi siya naka-relate sa role niya sa May-December love affair movie.

“Mahirap ha. Hindi siya madali.  I couldn’t relate. You just have to work on it like any other role. You just be the person in the script, not as Mylene,” pagtatapos niya sa PUSH.