• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagong atake, Yam Concepcion hindi mang-aagaw sa ‘Love Thy Woman’

Bagong atake, Yam Concepcion hindi mang-aagaw sa ‘Love Thy Woman’

Mula sa markadong papel bilang si Jade Bartolome, asahan daw ang bagong Yam Concepcion sa kanyang nalalapit na pagbabalik telebisyon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/31/2019 3:50 PM
Bagong atake, Yam Concepcion hindi mang-aagaw sa ‘Love Thy Woman’


Kasunod ng pagpapakilala kay Yam Concepcion bilang bagong miyembro ng cast ng upcoming teleserye na Love Thy Woman, todo paghahanda na ngayon ang aktres para sa kanyang nalalapit na pagbabalik-telebisyon.

Si Yam ay makakasama ng all-star cast na pinangungunahan ni Xian Lim at Kim Chiu.

Kuwento ni Yam, malayo sa kanyang markadong karakter na si Jade Bartolome sa Halik ang kanyang gagampanang papel sa bagong proyekto.

“Sino nagsabi ako ang mangaagaw dito?” pabiro niyang tugon sa panayam ng press.

Aniya, bagong atake ang kanyang nais ibigay para sa kanyang bagong role.


“Nanonood ako ng mga vlogs and interviews ng mga babae that I can get inspiration from for my character. Sa ngayon inaaral ko pa, nasa stage pa lang ako ng research,” sabi pa ng aktres.

Labis na pananabik din ang nararamdaman ng aktres para sa kanyang new TV series.

“Very happy and excited! Thankful ako dahil sa bagong opportunity na ito. Looking forward working with Kim and Xian and the rest of the cast of Love Thy Woman,” aniya.

Inaasahan na bago magtapos ang 2019, mapapanood na ang Love Thy Woman sa ABS-CBN.