• Home
  • Fresh Scoops
  • Alden Richards, inaming naudlot ang relasyon sa isang aktres

Alden Richards, inaming naudlot ang relasyon sa isang aktres

Inamin ni Alden Richards na na-fall siya sa isang aktres.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/31/2019 1:51 PM
Alden Richards, inaming naudlot ang relasyon sa isang aktres


Photo Credit: @aldenrichards02 on IG

Sa unang pagkakataon ay nagharap ang Hello, Love, Goodbye star na si Alden Richards at si Boy Abunda para i-promote ang kanyang pelikula sa programa ng King of Talk na Tonight with Boy Abunda.

Sa isang online exclusive interview ng dalawa sa programa ay tinanong si Alden kung kailan pa siya huling na-attach sa isang tao.

“It was a long time [ago]. I was in college. That was the last,” pag-amin niya.

Dito naman na ibinahagi ng aktor na minsan na siyang na in love sa isang aktres ngunit naudlot din ang kanilang pagsasama kinalaunan.

“Siguro po, there’s a point in a relationship and in life, na sometimes, no matter how strong the feelings are towards a person, minsan hindi talaga kayo nagkakaintindihan… Hindi po umabot sa naging kami.”

Napag-usapan din ng dalawa ang naging showbiz journey ni Alden bago pa tuluyang sumikat at sinabi niyang nakaranas din siya ng rejection.

“From that 10-year journey, even way before showbiz, it’s really the struggle of rejection. You’ve tried so many times, you’ve given all you’ve got, but still you get no for an answer. Mas marami po ‘yung no,” aniya.

Nabanggit naman nila na minsan na rin lumapit si Alden kay Boy upang maging manager sana ng career ng aktor ngunit hindi ito natuloy.

“Ang laki nga ng pagsisisi ko! Ang yaman ko na siguro kung talagang na-manage kita,” biro pa ni Boy.

WATCH: NOT SEEN ON TV: TWBA Dressing Room Exclusive with Alden Richards

Palabas na sa sinehan ang Hello, Love, Goodbye kung saan bida rin ang aktres na si Kathryn Bernardo.