Yam Concepcion, kabilang sa cast ng Love Thy Woman

Matapos ang success ng kanyang primetime series na Halik, magbabalik telebisyon ang aktres na si Yam Concepcion upang bumida sa inaabangang show na Love Thy Woman.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/30/2019 3:03 PM
Yam Concepcion, kabilang sa cast ng Love Thy Woman


Photo credit: @dreamscapeph IG

Matapos ang success ng kanyang primetime series na Halik, balik telebisyon ang aktres na si Yam Concepcion upang bumida sa inaabangang show na Love Thy Woman.

Nitong Martes, ipinakilala ng Dreamscape ang 31-year-old star bilang bagong miyembro ng cast na tampok sa nasabing teleserye na may temang iikot sa Filipino-Chinese families.

 

 

Makakasama ni Yam ang leading cast na binubuo nina Kim Chiu, Xian Lim, at Erich Gonzales. 

Bukod sa tatlo, makakasama niya rin sina Eula Valdez, Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Sunshine Cruz, Ruffa Gutierrez, at Jennifer Sevilla