• Home
  • Fresh Scoops
  • King of Talk Boy Abunda, may advice para sa mga magsisimula ng bagong trabaho

King of Talk Boy Abunda, may advice para sa mga magsisimula ng bagong trabaho

Boy Abunda: ‘I encourage people to embrace uncertainty.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/30/2019 11:52 AM
King of Talk Boy Abunda, may advice para sa mga magsisimula ng bagong trabaho


Sa Tonight with Boy Abunda, nagbigay ng advice ang batikang host na si Boy Abunda sa isang netizen na humingi ng payo dahil sa magsisimula siya ng bagong trabaho.

“I will start a new job. Medyo takot po. But I need to do it for family,” ang sabi ng netizen. Pinost niya ang kanyang tanong sa Facebook page ng TWBA.

Una, nag-congratulate si Boy ang netizen. “Congratulations, you have a job. It’s a blessing,” ani Boy. 

Pangalawa, sinabi ng host na okay ang pagkakaroon ng kaba. “Yung takot, yung nerves, yung jitters are okay. They can fuel a certain kind of energy that can lead you to excellence,” ayon pa sa King of Talk. 

Pangatlo, maganda rin daw dahil may purpose ang netizen sa kanyang bagong sisimulan na trabaho. “It’s good that you have a reason for doing your job- family. It’s a purpose, maliban doon sa growth mo,” ani Tito Boy. 

 “I encourage people to embrace uncertainty. To embrace that kind of a fear of not knowing what’s going to happen. Basta maganda lamang ang iyong intensyon sa ‘yong puso. Because napakaraming mabubuting nangyayari sa ating buhay come from not being sure of what’s going to happen but believing that good is going to happen,” advice ni Tito Boy para sa lahat.  

“At saka pag takot ka mas mataas ang iyong pandinig at ang iyong pananaw that makes you work harder,” pagtatapos ni Tito Boy.  

READ: King of Talk Boy Abunda, may advice kay former Idol Philippines 2019 finalist Fatima Lagueras