• Home
  • Fresh Scoops
  • Kean Cipriano on wife Chynna Ortaleza: ‘Natutunan namin lalo na maging totoo sa isa’t isa.’

Kean Cipriano on wife Chynna Ortaleza: ‘Natutunan namin lalo na maging totoo sa isa’t isa.’

Kean Cipriano, sinabing naging lalong totoo sila ng asawa sa isa’t isa matapos nilang subukan mabuhay ng walang yaya for one year.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/30/2019 11:39 AM
Kean Cipriano on wife Chynna Ortaleza: ‘Natutunan namin lalo na maging totoo sa isa’t isa.’


Photo credit: @kean IG

Sa Tonight with Boy Abunda, proud diumano si Kean Cipriano na kinaya niya at ng kanyang asawang si Chynna Ortaleza na wala silang yaya o kasambahay ng isang taon. “Im so proud of myself, Tito Boy. Kaya naman. Mahirap lang. Nakakapagod, to be very honest,” ani Kean.

WATCH: Push Star Peek: Kean Cipriano, ipinasilip ang kaniyang business at buhay bilang isang ama

Sila diumano ni Chynna ang gumagawa ng lahat sa loob ng bahay maging paghuhugas ng mga pinagkainan, saka pag-prepare ng sarili nilang pagkain.

“Ang maganda dun na-establish din namin ni Chynna yung dynamic. Na-gets namin doon na … yung personality namin sa bahay, na-establish na ako yung magulo sa bahay,” kuwento pa ni Kean. 

Rebelasyon pa ni Kean, pareho kasi sila ng trip ni Chynna. “Magka-trip kasi kami ni Chynna. We love the same kind of music and art and all,” ayon sa singer-actor. 

Pero magkaiba man sila pagdating sa bahay, lalo naman lumalim ang pagsasamahan nila. “Ang galing lang, Tito Boy, kasi yung asawa ko kaibigan ko siya. Natutunan namin lalo na maging totoo sa isa’t isa,” ani Kean. 

May napili na rin daw pangalan sina Kean at Chynna para sa second baby nila at ito ay “Salem Gryk.” Ang ibig sabihin daw ng Salem ay peace at ang Gryk naman ay pangalan ng Dad ni Chynna na kapapanaw pa lang. 

LOOK: Chynna Ortaleza shares sonogram of second baby