• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, tuloy na tuloy na ang pagbabalik teleserye sa ‘Starla’

Judy Ann Santos, tuloy na tuloy na ang pagbabalik teleserye sa ‘Starla’

Tuloy na tuloy na ang pagbabalik teleserye ng Queen of Philippine Soap Opera na si Judy Ann Santos para sa Starla.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/30/2019 4:58 PM
Judy Ann Santos, tuloy na tuloy na ang pagbabalik teleserye sa ‘Starla’


Matapos ang halos dalawang taong paghahanda, tuloy na tuloy na ang pagbabalik primetime ng Queen of Philippine Soap Opera na si Judy Ann Santos. Sa naganap na Trade Event ng ABS-CBN noong nakaraang linggo, dumalo si Judy Ann Santos para i-anunsyo ang kaniyang comeback project na Starla

“Basically it’s about wishes, and ‘yung personal battle ng character ko how to forgive a town, how to forgive myself. It’s about trust, honesty,” pahayag ni Judy Ann nang tanungin kung tungkol saan ang naturang serye niya. 

READ: Judy Ann Santos starts working on her teleserye comeback 

READ: EXCLUSIVE: Heaven Peralejo to play the role as young Judy Ann Santos in ‘Starla’

Taong 2013 nang huling napanood si Judy Ann sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala. Naging host din siya sa TV game show na Bet on Your Baby na natapos noong 2017. 

Isa sa mga ikina-e-excite rin ni Juday ay ang temang bukas ito para sa mga batang manonood. Ayon sa kaniya, siguradong ipapanood niya ito sa kaniyang mga anak. 

“Ngayon lang ulit ako gagawa ng serye na pambata, kaya excited na akong mapanood ito ng mga anak namin. Kasi for the longest time, we don't allow them to watch our teleseryes, so at least ito pwede silang manood, at the same time it’s about time na magkaroon tayo ng teleserye na heart warming, would focus on the values of the children, and the values that we have as adults. And something refreshing,” paliwanag ng primyadong aktres. 

Pagpapatuloy ni Judy Ann, may pagka-kontrabida ang kaniyang karakter sa Starla. “Ito 'yung first teleserye na halos kontrabida ako. Inenjoy ko lang yung proseso, kasi ngayon lang ako gumawa ng ganitong klaseng role and para maiba naman,” ani Juday. 

Panoorin ang buong interview dito:

Sa ngayon, wala pang ganap na date kung kailan mag-uumpisang ipalabas ang Starla

Habang hinihintay ito, guest actress naman ngayon si Juday sa long-running teleserye sa Primetime na Ang Probinsyano