• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid, plano tulungan ang Top 5 ng ‘Idol Philippines’

James Reid, plano tulungan ang Top 5 ng ‘Idol Philippines’

Nagbigay pahayag si James Reid sa kumukuwestyon ng pagkapanalo ni Zephanie Dimaranan sa ‘Idol Philippines’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/30/2019 2:48 PM
James Reid, plano tulungan ang Top 5 ng ‘Idol Philippines’


Walang pag-aalinlangan na ipinagtanggol ni James Reid ang bagong Idol Philippines na si Zephanie Dimaranan sa mga kumukuwestiyon sa pagkapanalo nito sa Kapamilya singing search.

Itinanghal na unang “Idol Ph” ang 16-year-old singer mula sa katatapos lang na finale night noong Linggo ng gabi, July 28. 

READ: Zephanie Dimaranan is the first Idol Philippines

Ayon kay James, masaya silang mga hurado sa tagumpay ni Zephanie.

 

“Yes, I think she’s really deserving and we’re all really happy about it and how it turned out. Actually for me, they’re all already idols and there could only be really one,” tugon ni James sa panayam ng entertainment press.

Iba-iba man daw ang naging choice ng Idol judges, naniniwala si James na may magandang kinabukasan na naghihintay na sa mga naging finalist ng Idol.

 

 

“But for me the top 5, I can see them having a long career in showbiz,” sabi pa ni James.

At bilang aktibo sa pagpapatakbo ng kanyang record label, naibahagi din ni James na plano niyang tulungan sa pagpo-produce ng awitin ang ilan sa Top 5 finalist ng Idol PH.

“I plan to help some of the top 5 with their music,”  aniya.

Kung tatanungin naman kung sino sa kanila ang kanyang nasa isip ngayon, “No not yet, I will tell you when it’s final,” pahayag pa ni James.

Matapos ang Idol Philippines, sinabi nun actor-singer na magfo- focus muna siya sa pagbuo ng isang album.