• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Matt Evans aminadong kinabahan kung tatanggapin ulit ng Star Magic

EXCLUSIVE: Matt Evans aminadong kinabahan kung tatanggapin ulit ng Star Magic

Ipaliwanag ni Matt Evans kung bakit siya bumalik sa Star Magic.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/30/2019 11:05 AM
EXCLUSIVE: Matt Evans aminadong kinabahan kung tatanggapin ulit ng Star Magic


Nagulat kami na kasama si Matt Evans sa grupo ng Star Magic artists na ipinakilala sa press bilang celebrity endorsers ng Beautederm Corporation nitong Linggo, July 28. Nawala na kasi sa Star Magic family si Matt for two years nang mag-decide siyang maging freelance actor.

Tanong namin agad kay Matt, bakit ka bumalik ng Star Magic?

“Siguro hinanap ko yung alaga ng Star Magic. Yon po talaga yung parang sobrang comfort zone ko kaya nag-decide na lang po talaga ako na bumalik na lang,” bungad na pahayag ni Matt nang exclusive siyang mainterbyu ng PUSH.

Nitong June lang pormal na nakabalik si Matt sa ABS-CBN.

Ibinahagi rin ni Matt ang mga bagay na-realize niya nung panahong wala siya sa Star Magic.

Aniya, “Mahirap… ang hirap magtiwala. Para kang nangangapa sa lahat. So, ako honestly, hinanap ko po talaga yung alaga, yung malasakit, tsaka siyempre, trabaho.”

Eh, mabuti naman at tinanggap pa siya ulit bilang Kapamilya?

“Actually, si Tita Mariole (Alberto) po talaga yung kinausap ko kaagad. Tsinek lang po nila at humingi lang po sila ng go signal kay Tita Cory (Vidanes). Tapos pumayag naman po si Tita Cory, so right away po in-absorb po ako agad ng Star Magic,” kuwento pa ng aktor.

Masaya si Matt na kahit nawala siya pansamantala sa Star Magic ay winelcome pa rin siya ng mga Kapamilya stars with open arms.

“Ramdam na ramdam ko yung parang na-miss ka ng mga tao kasi pagtuntong na pagtuntong ko pa lang sa bakuran talagang ang warm na ng welcome ng lahat. Parang… hindi ko rin alam, eh.

“Parang may part sa akin na parang nagsisisi rin ako bakit ako umalis,” kaswal na pahayag ng aktor.

Hindi ba siya nagdalawang isip na baka hindi na siya tanggapin ng dati niyang home network?

“Siyempre, may kaba,” pag-amin niya. “Kasi hindi natin alam kung paano ang magiging ano, kasi siyempre, umalis ka tapos babalik ka agad, yung ganun.

“Ah, pinagdasal ko lang. Tapos yon po, medyo sobrang naging positive lang talaga ng mga nangyari, sunud-sunod. Masayang-masaya talaga ako ngayon kasi nakabalik ako (sa Star Magic),” nakangiti at huling pahayag ni Matt na kasama sa cast ng ABS-CBN series na A Soldier’s Heart.