• Home
  • Fresh Scoops
  • Arci Muñoz explains ‘hindi ako mabibiktima’ quip about Gerald Anderson

Arci Muñoz explains ‘hindi ako mabibiktima’ quip about Gerald Anderson

Arci Muñoz, ayaw diumanong madamay sa isyung may kinalaman sa Gerald Anderson-Bea Alonzo breakup

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/30/2019 11:31 AM
Arci Muñoz explains ‘hindi ako mabibiktima’ quip about Gerald Anderson


Sa ulat mula sa TV Patrol, nilinaw ni Arci Munoz ang pahayag niya noon sa 2017 guesting niya sa Gandang Gabi Vice kung saan sinabi niyang hindi siya mabibiktima ni Gerald Anderson.

Ang guesting ni Arci sa GGV ay para sa promotion ng pelikula nila noon ni Gerald na Can We Still Be Friends?

Sa naturang guesting, tinanong si Arci ng host na si Vice Ganda kung hindi raw ba sila magiging ex ni Gerald na sinagot naman ni Arci ng “hindi ako mabibiktima.”

Paliwanag ni Arci, joke lang ang naging sagot niya. "Joke ko lang 'yon kasi never ko talagang naisip na magjojowa ako ng artista. 'Pag nakikita ko silang lahat, para ko silang brothers," ani Arci.

Hindi rin aware si Arci noong una kung bakit siya tina-tag ng netizens tungkol sa naging sagot niya noon sa GGV tungkol kay Gerald. "Hindi nga ako aware kasi wala naman ako Twitter, so parang nagta-tag sila sa 'kin ng Instagram," dagdag pa ng aktres.

Naungkat ng netizens at nabigyan ng kulay ang “hindi ako mabibiktima” comment ni Arci tungkol kay Gerald dahil sa rumored breakup ni Gerald at Bea Alonzo. 

READ: Bea Alonzo, nagsalita na tungkol sa isyu nila ni Gerald Anderson

Ayon pa sa ulat, ayaw diumano ni Arci na madamay sa issue na kinakaharap ngayon ng aktor.