• Home
  • Fresh Scoops
  • WATCH: New Star Magic artist Arielle Roces, nagpa-sample ng kaniyang Darna audition

WATCH: New Star Magic artist Arielle Roces, nagpa-sample ng kaniyang Darna audition

Isa si Arielle Roces sa mga bagong Kapamilya actresses ang tinitignang bagay para sa role ng Darna sa pelikula.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/3/2019 12:17 PM
WATCH: New Star Magic artist Arielle Roces, nagpa-sample ng kaniyang Darna audition


Para sa rising artist na si Arielle Roces, hindi inaasahan ang pagsama niya bilang isa sa 16 na miyembro ng bagong batch ng Star Magic Circle 2019. Sa interview ni Arielle sa PUSH Bets Live, inamin ng aktres na hindi planado ang pagpasok niya sa industriya lalu na't nagmula siya sa corporate world.

"It's been really overwhelming, it happened all so fast. Most of us didn't really expect it, especially me. It is not a plan at all," pahayag nito sa episode ng PUSH Bets Live noong Biyernes, June 28.

Sa parehong interview din ni Arielle pinag-usapan ang kamakailan na balita tungkol sa kaniyang audition para sa Darna movie. Kuwento niya, hindi niya inakalang para sa mismong role ni Narda ang audtion dahil nangyari ito noong hindi pa inaanunsyo ni Liza ang pagbibitiw niya sa role.

"I didn't expect it actually na yung role talaga ni Narda and Darna yung audition, akala ko maliit na character lang in the film of Darna. Kasi all along I thought it was Liza Soberano na e. But then when I saw the script it was for the Narda role.

"When I read it, I prepared myself talaga. And nakita ko na nga si Jerrold Tarog, and tinry ko yung best ko to do it," kuwento nito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My 5 usual kinds of mood 😁 Which one suits me best?? #bts #printshoot MUA @paolomaranan Hair @carloroblico

A post shared by Arielle Roces (@arielleroces) on

 

READ: Meet the new members of Star Magic Circle 2019

LOOK: Star Magic Circle 2019 leads Tatak Star Magic mall show

Kahit na aminadong may mga kailangan pang pag-aralan, nakatanggap ng mga magandang komento si Arielle mula sa press noong press conference ng Star Magic Circle 2019 noong May.

"First of all, thank you. Kasi nga madami ding nagsasabi sa akin na bagay ako for the role, pero feel ko naman na parang there's still room for improvement I have a lot of things to work on pa.

"Honestly guys kahit wala pang feedback, I've always been active in sports pero yung after ng audition sa Darna, nagkaroon ako ng motivation to train more, to be active more physically and try to hone my acting skills. Wala namang masama maging hopeful di ba?" paliwanag ng aktres.

Sa guesting niya sa PUSH Bets Live ay nagbigay din ng sample si Arielle ng kaniyang audition sa naturang role.

Panooring dito ang buong interview:

PUSH Bets Live: Kilalanin sina RA, Gillian, Arielle, at Jeremiah ng Star Magic Circle 2019

Nagsimula sa pagganap sa mga sikat na commercials si Arielle, na pinagsasabay niya sa kaniyang pag-aaral noon. Kamakailan lang din ay gumraduate siya ng kursong Business Analytics sa University of Asia and the Pacific.