• Home
  • Fresh Scoops
  • Third installment ng ‘Ang Babae Sa Septic Tank’, gagawing digital series ng iWant

Third installment ng ‘Ang Babae Sa Septic Tank’, gagawing digital series ng iWant

Sa inilabas nilang trailer nitong Lunes, ibinahagi ng online streaming service na iWant na nakatakda nilang gawing digital series ang sequel ng nasabing pelikula.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/3/2019 4:36 PM
Third installment ng ‘Ang Babae Sa Septic Tank’, gagawing digital series ng iWant


Screenshot from iWant YouTube Channel

Inilabas na ang teaser ng third installment ng pelikulang Ang Babae sa Septic Tank na pinagbibidahan ni Eugene Domingo.

Sa inilabas nilang trailer nitong Lunes, ibinahagi ng online streaming service na iWant na nakatakda nilang gawing digital series ang sequel ng nasabing pelikula.

“Sequel na, Series pa? Gusto niyo ba 'yon? It's just a suggestion. Pero you've heard it right!,” anila sa caption ng teaser.

Taong 2011 nang inilabas ang unang installment ng Ang Babae Sa Septic Tank bilang entry sa 2011 Academy Awards for Best Foreign Film at 2011 Cinemalaya Festival. Patungkol ito sa independent art house films na nais lamang makalikha ng pelikula upang kilalanin at gawaran ng international recognition. Dito, kasamang bumida ni Eugene sina JM de Guzman, Kean Cipriano at Kai Cortez.

Matapos ang limang taon ay inilabas ang second part nito bilang entry sa 2016 Metro Manila Film Festival. Salungat sa unang part, satire sa mainstream film industry naman ang theme ng pelikulang pinamagatang Ang Babae Sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough.

Samantala, bibida sa Ang Babae Sa Septic 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken si Eugene bilang Bracken, kasama ang nakababatanag aktor na si Tony Labrusca na gaganap naman bilang “hunk Jose Rizal”.

Ipapalabas and digital series sa iWant simula sa Hulyo 17.