• Home
  • Fresh Scoops
  • Former Idol Philippines 2019 finalist Matty Juniosa: ‘I really got insecure po’

Former Idol Philippines 2019 finalist Matty Juniosa: ‘I really got insecure po’

Former Idol Philippines 2019 finalist Matty Juniosa, inaming naapektuhan sa sinabi ng bashers tungkol sa kanyang performance.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/3/2019 1:05 PM
Former Idol Philippines 2019 finalist Matty Juniosa: ‘I really got insecure po’


Sa Tonight with Boy Abunda, aminado si former Idol Philippines 2019 finalist Matty Juniosa na nag-tone down siya in terms of performance dahil diumano sa insecurity na naramdaman niya matapos niyang basahin ang comments ng mga netizens sa kanyang performance. “Honestly po, after seeing the ‘Proud Mary’ performance I had, I got insecure and they were saying why is he in (top) 12,” ayon kay Matty. “I really got insecure po because I started thinking about my own talent if I’m even good enough,” pag-amin pa ni Matty. 

READ: Male finalists ng ‘Idol Philippines’, hindi ramdam ang kompetisyon sa isa’t-isa

Pero pagdating naman sa kanyang makeup ay hindi daw siya nag-tone down. Pinuri rin ng batikang host Boy Abunda ang makeup ni Matty. “As for your makeup I thought it was fabulous… really really gorgeous,” ani Boy.

Bukod sa makeup, hinangaan din ni Boy ang close relationship ni Matty sa kanyang mom. Pag-amin ni Matty, mas umiyak pa ang kanyang ina nang mawala siya sa finalist ng competition. “She was the one who cried even more than I did. It was her dream for me and it was my dream for her and when the dream crashed… she was bawling talaga,” kuwento ni Matty. 

Ganunpaman, pagkatapos ng performance sinabi daw sa kanya ng kanyang ina na “you fought a good fight” at malaking bagay daw iyon para kay Matty.

Aminado din ang singer na hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend. “I’ve never had a lover,” aniya. Inamin din ni Matty na supportive din ang Mom niya sa pagkakaroon niya ng boyfriend dahil ito pa raw ang nagsasabing mag-boyfriend na siya at ipinapakilala pa siya nito sa mga lalaki na potential boyfriend material.