• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Eerie’ actress Gillian Vicencio, may nakakatawang kuwento sa kaniyang unang pagsama sa international screening

‘Eerie’ actress Gillian Vicencio, may nakakatawang kuwento sa kaniyang unang pagsama sa international screening

May nakakatawang kuwento ni Gillian Vicencio sa unang beses na sumama siya sa isang international screening para sa ‘Eerie.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/3/2019 12:01 PM
‘Eerie’ actress Gillian Vicencio, may nakakatawang kuwento sa kaniyang unang pagsama sa international screening


“Dream come true” para sa Star Magic Circle 2019 artist na si Gillian Vicencio ang mapasama sa powercast ng kamakailang pelikula na Eerie. Ito ang kaniyang debut movie at kasama niya pa ang dalawa sa mga primyadong aktres ng Kapamilya Network na sina Charo Santos at Bea Alonzo. 

READ: Eerie movie earns P201 million worldwide in box office

READ: Star Magic introduces a mix of 16 fresh and familiar faces for Star Circle Batch 2019

"Isang malaking karangalan ang makasama ako dito sa batch nito ng Star Magic Circle. Maraming big stars ang nanggaling sa Star Magic Circle, like sina Julia Barretto, Liza Soberano—masaya. 

"Parang nasa panaginip pa ako, hindi pa siya nagsisink in sa akin talaga," pahayag ni Gillian sa interview ng PUSH, nang tanungin ang pakiramdam bilang kasama siya sa bagong batch of artists ng Star Magic nitong May.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Missing Eerie

A post shared by Gillian Vicencio (@_gillianvicencio) on

 

Sa parehong interview din ni Gillian sa PUSH Bets Live, ay ikinuwento niya ang nakakatawang experience sa pinaka-unang international screening na dinaluhan niya para sa Eerie noong January.

"First time ko 'yun, first movie ko nga, first project. Nung una, hindi po ako kinakabahan, pero nung premiere [night] na aakyat kasi kami lahat sa stage, so isa-isang iinterviewhin, e yung audience mo dun mga foreigner. E ako nga, hindi ako pala-Ingles, hindi ako masyadong confident sa English ko," kuwento ni Gillian. 

Pagpapatuloy niya, "Parang tinatanong kami [ni Gabby Padilla] paano daw kami nag-audition. Sabi ko, 'Um... they asked us to send some pictures,' tapos sabi ng host, 'That's all?' E ako nag-iisip ako ng sasabihin ko, kasi nga pina-process ko muna kasi baka magkamali ako.

"Tapos sabi niya, 'What kind of picture?' Sabi ko, 'Ah, black and white?' Tawa sila grabe," kuwento niya na nagpatawa sa mga ka-batch niya sa Star Magic. 

Panooring ang buong interview ni Gillian dito:

Ginampanan ni Gillian ang role na Erika sa Eerie.