• Home
  • Fresh Scoops
  • Dating bus boy sa HK na si RA Lewis, isa nang Star Magic artist

Dating bus boy sa HK na si RA Lewis, isa nang Star Magic artist

Isa sa mga bagong batch ng Star Magic Circle 2019 na si RA Lewis, ikinuwento ang pagiging box-lifter, barista, bus boy, waiter, at bartender sa Hong Kong noon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/3/2019 12:22 PM
Dating bus boy sa HK na si RA Lewis, isa nang Star Magic artist


Photo credit: @officialralewis on Instagram

Ikinuwento ng ngayong Star Magic Circle 2019 artist na si RA Lewis ang mga nasubukang trabaho sa Hong Kong noon.

Ayon sa kaniya, matapos ang paninirahan at pag-aral ng Political Science sa India, umuwi siya ng Hong Kong kung saan kasama ang ama, at pumasok sa iba't-ibang part time jobs habang pinagpapatuloy ang pag-aaral naman ng Graphic Designing.

"Umuwi ako sa Hong Kong and have part time jobs. My first job I remember was box lifter sa isang factory, so I used to go each compartments search and also scan if all the boxes are there and ready to be delivered.

"Next one was Barista, in a Pacific Coffee in Hong Kong—not for long pero at least I earned some there. Then next was Global Communication Service, where my dad was working, and I had to speak [to people from] different countries. I had a hard time kasi different language din e... pero it gave me an opportunity to learn," kuwento ni RA sa kaniyang interview sa PUSH Bets Live.

Panoorin ang buong interview niya dito:

READ: Star Magic introduces a mix of 16 fresh and familiar faces for Star Circle Batch 2019

Na-discover si RA ng isang talent scout ng Star Magic nang mag-audition ito para sa Pinoy Big Brother noong nakaraang taon. 

Ayon pa kay RA, naging inspirasyon niya ang lola na unang nangarap na maging artista siya.

"My grandma - siya yung nagsabi sa akin na 'Ricky, gusto kong makita kita sa big screen... My grandma inspired me to push through just to fulfil her dream," sabi niya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

What a pleasure to be apart of #starmagiccircle2019 #starmagic #tatakstarmagic

A post shared by @ officialralewis on

 

Nitong June ay isa si RA sa 16 artists na ni-launch bilang bagong batch ng Star Magic Circle.