Paolo Gumabao, proud sa kaniyang pagganap sa Mga Batang Poz

Para kay Paolo Gumabao, ang Mga Batang Poz advocacy series ang pinaka-proud niyang ginawang proyekto sa kaniyang career.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/29/2019 3:20 PM
Paolo Gumabao, proud sa kaniyang pagganap sa Mga Batang Poz


Photo credit: @paologumabao IG

Tinuturing ni Paolo Gumabao na pinaka-proud siya sa bagong web series na ginawa mula sa iWant na Mga Batang Poz. Ayon sa 20-year-old actor, malaki ang tiwala niya sa materyal ng naturang proyekto para makatulong sa pagpapalaganap ng edukasyon tungkol sa HIV o AIDS. 

"Sabi ko 'Oh wow, HIV Awareness' kaya mas lalo akong natuwa, kasi naniniwala ako sa kapangyarihan ng film industry. Alam kong marami itong matutulungang tao HIV positive man o hindi," pahayag ni Paolo. 

Gaganap si Paolo bilang Enzo, isa sa mga gay teen characters ng web series na nagkaroon ng HIV dahil sa mapait na pagkakataon. Ito rin ang pinakaunang major role na natanggap ni Paolo, ayon sa kaniya. 

Bilang aktor, naniniwala siya na trabaho niya ang magbigay ng magandang aral sa mga manonood. "And sa tingin ko yun naman ang trabaho natin as actors e. Yung magbigay ng lessons sa mga manonood, that's our job. So who am I na hindi ko tatanggapin yung role na ito," paliwang ni Paolo. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Lots of fun things to do in a swimming pool 😉

A post shared by Paolo Gumabao (@paologumabao) on

 

Bilang may sensitibong tema ang naturang web series, tinanong si Paolo kung may takot ba sa kaniya na ma-typecast sa gay roles matapos ang proyektong ito. Ito ang kanyang naging sagot, "For me naman kasi before doing the gay role in Mga Batang Poz, marami na akong ginawang work as straight characters and napanood na ng mga tao yun. And as long as nakita naman nila na I can play as straight, and I can play as gay also feeling ko hindi ako mata-type cast," paliwanag niya. 

READ: Awra Briguela, Mark Neumann play persons living with HIV in an iWant original series, 'Mga Batang Poz'

READ: From R-18 to R-16: Director Chris Martinez explains why ‘Mga Batang Poz’ is for young people

Napanood na rin si Paolo sa dating Kapamilya serye na Oh My G! kung saan ay pinagbidahan ni Janella Salvador. Isa rin siya sa mga naging cast members ng MMFF (Metro Manila Film Festival) movie entry noong 2015 na Haunted Mansion.

Available na sa iWant ang Mga Batang Poz, at mapapanood ito nang libre.