Kyle Echarri inamin ang feelings para kay Francine Diaz

Kyle Echarri aminadong nadadala sa mga eksena nila ng ka-love team na si Francine Diaz sa ‘Kadenang Ginto.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/29/2019 2:37 PM
Kyle Echarri inamin ang feelings para kay Francine Diaz


Sa Gandang Gabi Vice, inamin ng Kadenang Ginto Gold Squad members na sina Kyle Echarri at Seth Fedelin kung ano ang nararamdaman nila para sa kanilang mga ka-love team na sina Francine Diaz at Andre Brillantes. 

WATCH: Gold Squad may nakakatuwang Q&A session 

Aminado si Kyle na nadadala siya sa mga eksena nila ni Francine sa show. “I guess medyo nadadala na rin po ako sa mga eksena namin e. Parang may nararamdaman ako pero hindi ko alam kung ano yun,” sabi ng binatang aktor.

READ: Why does Kyle Echarri call Francine Diaz ‘Simang?’

Si Seth naman ay aminado na crush niya si Andrea at ang young actress daw ang tipo ng babae na liligawan niya. 

Malinaw naman ang sagot ni Francine na magkaibigan lang sila ngayon ni Kyle, kahit araw-araw sila halos magkasama sa taping ng hit teleserye ng ABS-CBN. Pero hindi naman kinakaila ng teen star na baka maging crush niya si Kyle sa future. “ Hindi ko po talaga masasabi…. siguro po sa future,” aniya.