Kris Aquino gustong makatambal si Empoy sa pelikula

Kris Aquino nakaramdam ng ‘chemistry’ sa komedyanteng si Empoy kaya't gusto niya itong makasama sa isang pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/29/2019 8:53 AM
Kris Aquino gustong makatambal si Empoy sa pelikula


Dahil sa TV shoot ni Kris Aquino para sa Unilever kasama ang komedyanteng si Empoy kaya nagkaroon ng idea ang Queen of all Media na posibleng gumawa sila ni Empoy ng pelikula.

Naging blockbuster ang pelikula noon ni Kris sa Regal Films na Pido Dida kapartner ang komedyanteng si Rene Requiestas. Ikinukumpara ng netizen si Rene kay Empoy dahil sa hitsura ng dalawa – na hindi man kaguwapuhan pero malakas naman ang karisma sa tao.

Matatandaang naka-tatlong franchise ang Pido Dida nina Kris at Rene na lahat ay naging box-office hits.

Nabanggit din ni Kris sa kanyang IG post na may nabuo siyang storyline para sa planong movie nila ni Empoy. Balak niya itong i-discuss sa kanyang manager na si Erickson Raymundo ng Cornerstore Entertainment.

Post ni Kris, “We did 3 Lady’s Choice webisodes and thank you @empoy, nakaramdam ako ng on screen chemistry with you, pareho nung magic na meron kami ni Rene Requiestas 29 years ago (Pido Dida was shown Sept 13, 1910-unreal)...

“Sana, sa 30th anniversary nung 1st movie ko, makatambal kita. Kinwento ko na sayo yung concept na sinulat ko kagabi and after today’s shoot, I believe it can work.”

Ayon pa kay Kris, ang concept ng project nila ni Empoy ay isang feel good romcom na inspired ng K-dramas na pinapanood niya.

Anyway, sa pumuna na payat na siya, ang sagot ni Kris, “Super effort na ko to put on at least 6 pounds para hindi masyadong lubog ang face for the big screen because I will start shooting (K)Ampon in 2 weeks.”

Pupunta muna si Kris ng Japan kasama ang mga anak para sa isang linggo na bakasyon at pagbalik niya ng Pinas ay sisimula na niya ang shooting ng (K) Ampon na entry ng Quantum Films sa 2019 Metro Manila Film Festival.