Fil-Am actress, bibida sa Star Trek spin-off

Isa ang Filipina-American actress na si Isa Briones sa star-studded cast na aabangan ng fans sa pinaka-bagong Star Trek series na 'Star Trek: Picard.'

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/29/2019 8:23 AM
Fil-Am actress, bibida sa Star Trek spin-off


Photo credit: @isacamillebriones IG

Isa ang Filipina-American actress na si Isa Briones sa star-studded cast na aabangan ng fans sa pinaka-bagong Star Trek series na Star Trek: Picard.

Ipinakilala ang 20-year-old star bilang aktres na gaganap sa karakter ni Dahj sa 2019 San Giedo Comic-Con kasama ang kanyang Picard co-stars na sina Patrick Stewart, Santiago Cabrera, Michelle Hurd, Evan Evagora, Alison Pill, at Harry Treadaway. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

if you look closely you’ll see that I literally never stopped smiling like a goofball the entire day #startrekpicard

A post shared by Lady Isa (@isacamillebriones) on

 

Tampok sa nasabing series ang susunod na kabanata sa buhay ni Captain Jean-Luc Picard matapos ang mga kaganapan sa pelikulang Star Trek: The Next Generation at Star Trek: Nemesis noong 2002. 

Bago ang Picard, bumida na si Isa sa ilang Hollywood movies kabilang na ang Lonely Boy, Takers, at Brown Soup Thing.

https://www.instagram.com/p/ByJMKqQpMjy/

Minsan na rin siyang gumanap bilang Peggy Schuyler at Maria Reynolds sa national tour ng cast ng sikat na musical na Hamilton

Taong 2018 nang mapanalunan ni Isa ang Ovation Award para sa kanyang role bilang Natalie sa musical na Next to Normal

Si Isa, o Isabella Camille Briones sa totoong buhay, ay anak ng Filipino TV at theater actor na si Jon Jon Briones sa kanyang asawang si Megan Johnson, na isa ring sikat na aktres.

Nakatakdang ipalabas ang Picard sa taong 2020.