• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana, naging ‘hugot’ ang maagang pagkamatay ng kapatid at ama

Dimples Romana, naging ‘hugot’ ang maagang pagkamatay ng kapatid at ama

Sa pagkamatay ng kanyang kapatid at tatay nang dahil sa sakit noong siya ay bata pa, na-realize ni Dimples Romana sa murang edad na ‘Life is too short.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/29/2019 5:29 PM
Dimples Romana, naging ‘hugot’ ang maagang pagkamatay ng kapatid at ama


Photo credit: @dimplesromana on Instagram

Sa Rated K, ibinunyag ng aktres na si Dimples Romana na hindi naging madali ang kanyang childhood. Nagsimula ang kagustuhan niyang makatulong sa pamilya nong bata pa siya at nakamulatan niyang may sakit ang kanyang kapatid. 

“Nung bata ako, I had a sister who had leukemia at five years old. Nine (years old) na ako nun,” kwento ng aktres. 

Ang tatay ni Dimples ay nagtatrabaho noon sa post office at ang kanyang ina naman ay sinasamahan ang kapatid niyang may sakit sa mga ospital. Si Dimples naman ay nag-aaral sa isang public school noon. 

“I realized na this is not a normal childhood that a child would have,” ani ng Kadenang Ginto star. 

Hindi rin naging madali para kay Dimples ang maagang pagpanaw ng kanyang kapatid at ito daw ang naging ‘hugot’ niya nang dalhin siya sa ABS-CBN para mag-audition noong siya ay 12 years old. 

“Nung dinala ako sa ABS, parang tinaong ako kung saan ako magaling. Mahiyain ako nung time na yun. ‘Di ako kumakanta, di ako sumasayaw. Pero nung nag-workshop, iyakin ako kasi kamamatay lang nung kapatid ko. So sabi nila, ah sa drama to,” pagpapatuloy na kwento niya. 

Nabigyan nga ng maliliit na roles si Dimples, pero hindi nagtagal pumanaw naman ang kanyang ama. “Namatay naman si Papa out of aneurysm and that was the turning point for me, na I realized life is so short,” ani Dimples. 

READ: EXCLUSIVE: Dimples Romana reveals what she misses most about her late father

Dahil dito huminto siya sa pag-aaral para suportahan ang kanyang pamilya. 
Dahil rin sa maagang pagkawala ng ama niya ay nagmadali si Dimples magkaroon ng sarili niyang pamilya.  
“I’m always in a hurry. I wanted to have a baby early. I wanted to have a family early. That was the effect on me,” dagdag pa ng aktres. 

Nag-asawa man nang maaga at nagkaroon ng pamilya, hindi ni Dimples kinalimutan ang kanyang ina at mga kapatid. Kailan lang ay binigyan pa niya ng house and lot ang kanyang nanay. “Para sa akin ang pagbibigay dapat nauuna sa pamilya,” giit pa niya. 

WATCH: Dimples Romana binigyan ng sorpresa ang ina na bahay at lupa

Dahil sa mabuting kalooban, buhos ngayon ang blessing kay Dimples na kilalang-kilala rin ngayon bilang “Meme Queen” dahil sa character niyang si Daniela Mondragon sa Kadenang Ginto.  

Ayon kay Dimples, wala na rin daw siyang mahihiling pa sa Panginoon. “When I wake up in the morning, I have nothing but gratitude in my heart.”