• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelina Cruz, bibida sa kaniyang kauna-unahang pelikula, ang One Friend

Angelina Cruz, bibida sa kaniyang kauna-unahang pelikula, ang One Friend

Makakatambal ni Angelina Cruz sa kaniyang bagong peilkula ang isa ring bagong aktor na si Bryce Ramos.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/29/2019 3:07 PM
Angelina Cruz, bibida sa kaniyang kauna-unahang pelikula, ang One Friend


Photo credit: @angelinaisabele IG

Isa ang anak ni Sunshine Cruz na si Angelina sa mga pumirma ng opisyal na kontrata sa ABS-CBN Films kamakailan. Aminado man na may pressure dahil sa kauna-unahang niyang pagsabak sa aktingan, excited ang 17-year old sa limang pelikulang naka-line up para sa kaniya. 

READ: Sunshine Cruz on daughter Angelina Cruz having a love team partner: ‘Walang problema’

"First of all, I can't promise na hindi ako nervous. Obviously I'm really nervous about it, but at the same time I'm willing to work hard especially on my Tagalog," pahayag ni Angelina sa press.

Nang tanungin kung paano siya sinusuportahan ng kaniyang ina na si Sunshine, sagot niya, "I ask her for advice, and she gives it to me naman. She asks me to say yung mga lines out loud, and then she dictate to me how to say it propoerly, yung mga emotions." 

Makakatambal ni Angelina sa pelikulang One Friend ang isa pang baguhang aktor na pumirma rin ng kaniyang sariling kontrata sa ABS-CBN Films, si Bryce Ramos. Para kay Angelina, isa ito sa mga dream roles niya, ang maging bida sa isang love story movie. 

Una nang nakilala si Angelina sa kaniyang pagiging isang singer-songwriter. Mapapakinggan ang kaniyang mga sariling gawa at covers sa page niya sa Spotify. 

TIGNAN: Showbiz royalties, nagsama-sama sa isang magazine cover

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

magic by @sydneymakeup__ ✨

A post shared by Angelina Cruz (@angelinaisabele) on

 

Kilala rin si Angelina bilang isa sa mga New Generation's Showbiz Royalties nang maging cover ito ng isang fashion magazine kasama sina Jayda Avanzado, Frankie Pangilinan, at ang magkapatid na sina Lorin at Venice Gutierrez.