Zephanie Dimaranan is the first Idol Philippines

Si Zephanie Dimaranan ang unang produkto ng “Idol Philippines”.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/28/2019 11:12 PM
Zephanie Dimaranan is the first Idol Philippines


Photo credits: @zephdimaranan IG

Labis na pasasalamat ang ipinaabot ng kauna-unahang “Idol Philippines” na si Zephanie Dimaranan.

Si Zephanie, ang nakakuha ng pinakamataas na text votes sa finale ng kompetisyon.

 

 

“Hindi po ako makapaniwala, sobrang saya ko po and sobrang thankful po ako kay Lord kasi finally naabot ko na po ang dreams ko kaya maraming maraming salamat po lahat ng sumuporta sa akin, mula noon hanggang ngayon. Maraming maraming salamat po, para sa inyo po ito,” kuwento ni Zephanie sa panayam.

Sulit din daw  ang lahat ng pagod ng 16-year-old singer mula sa kanyang mga pinagdaanang training mula sa kanyang karanasan sa “The Voice” at “Tawag Ng Tanghalan”.

“Sobrang worth it po lahat ng pagod ko, lahat po ng ginawa kong mga trainings para po dito, sobrang natutuwa po ako na binigay sakin ni Lord ‘to,” aniya pa.

Dito, nagbigay pahayag din ang “Idol Ph” champion sa nagbabansag sa kanya bilang next Sarah Geronimo.

“Masaya po ako kasi si Miss Sarah po ay isa po sa mga idol ko and influence ko po noong bata palang ako kaya natutuwa po ako na nakikita po nila ‘yung naging influence ko po,” pahayag pa niya.

 

 

Alay din ni Zephanie ang kanyang mga nakuhang premyo sa kanyang pamilya at para sa kinabukasan niya at ng kanyang mga kapatid.