YouTube star, Lady Pipay, pangarap maging young Narda

Aminado ang child actress na si Pipay na nanghihinayang siya nang di makapag-audition sa role ng batang Narda para sa pelikulang ‘Darna.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/29/2019 7:31 AM
YouTube star, Lady Pipay, pangarap maging young Narda


Kasunod nang pagpapakilala kay Jane De Leon bilang bagong “Darna”, isa-isa naman ngayong nagbubukas ang mga oportunidad sa ibang aspiring actors para maging bahagi ng muling paglipad ng Pinay superhero.

Matatandaan na isa sa mga oportunidad na nagbukas ay ang audition ng ABS-CBN Films o Star Cinema para hanapin ang young Jane De Leon o batang Narda.

READ: Wanted Batang Narda 

At isa sa mga aminadong gustong mag-audition sana ay ang young YouTube star na si Lady Pipay.

 

 

Aniya noong nalaman niya ang pagbubukas ng audition ay pinaghandaan na niya ito.  

“Opo, pangarap ko po talaga,” sabi ni Lady Pipay sa panayam ng PUSH.

Pero dahil bahagi ng kiddie program na Yey, mas minabuti ni Lady Pipay na ipagpaliban ang kanyang pagkakataon na sana ay makapag-audition.

“Nung time po ng audition, mayroon po naging trabaho po for Yey kaya po nanghinayang ako,” sabi pa niya.

At dahil sa napalagpas na pagkakaton, inamin ng aspiring Narda na nalungkot siya para dito.

“Kung may chance po ulit na magkaroon ng audition hindi ko na po papalagpasin,” aniya pa.

Hindi man pinalad na makapag-audition, hiling ni Pipay na maging matagumpay sana ang napili para dito.

Bukod sa pagiging aktibong vLogger at kiddie host ng Yey, bahagi din si Lady Pipay ng morning program na Umagang Kay Ganda.