Manila to host Miss Universe 2019?

2016 nang ginananap sa Pilipinas ang 65th Miss Universe kung saan ipinasa ni Pia Wurtzbach ang kanyang korona.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/28/2019 12:30 PM
Manila to host Miss Universe 2019?


Hindi isinasara ng Miss Universe Organization ang posibilidad na muling pagdaraos ng prestihiyosong beauty pageant sa Pilipinas.

 

 

Kasunod ito nang tila pagkakaroon ng hindi pagkakasundo ng South Korea at ng Dubai na matunog na mga bansang puwede sana pagdausan ng Miss Universe Pageant.

Sa panayam ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News sa major Miss Universe partners sa Pilipinas na si Luis “Chavit” Singson, may mga tumutol umano sa pagdaraos ng Miss U sa Dubai.

“Possible pa din kung wala ‘yung swimsuit, pero hindi naman pwede mawala ang swimsuit competition. Kung South Korea, okay naman ‘yun lang women’s group ang umaayaw,” sabi pa ni Chavit.

“Manila din, pero dapat may katulong din doon hindi ako lang. Mahirap kung dito kasi e 2019 hindi pa ako bayad ‘di ba? Depende nalang kung may mga gustong tumaya,” pahayag pa niya.

READ: Miss Universe Organization officially announces the pageant will be held in Manila

Matatandaan na taong 2016 nang ginanap sa Pilipinas ang 65th Miss Universe pageant kung saan ipinasa ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang kanyang korona kay Iris Mittenaere ng France