• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia and Janella Salvador are open to doing kissing scenes in ‘The Killer Bride’

Joshua Garcia and Janella Salvador are open to doing kissing scenes in ‘The Killer Bride’

After three failed attempts, Joshua Garcia and Janella Salvador are happy to finally get to work with each other.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/28/2019 10:56 AM
Joshua Garcia and Janella Salvador are open to doing kissing scenes in ‘The Killer Bride’


“Game naman po kami.”

Ito ang sagot nina Joshua Garcia at Janella Salvador sa tanong kung handa ba silang dalawa na magkaroon ng kissing scene sa bagong ABS-CBN series na The Killer Bride.

Dugtong pa ni Joshua, “Ako po siguro… kasi binilang ko na yung sarili ko as actor at bilang aktor ho, kahit ano pa yan gagawin ko yan basta hindi naman ganun kalala, di ba?”

Hiwalay na reaksyon naman ni Janella, “Kung kailangan siya sa eksena para mapaganda yung show, why not?  That’s why it called art – we’re actors, actresses – ayun.”

Ano nga ba ang naging reaksyon ng bagong teleserye love team na magkakasama sila sa isang project?

“Actually, na-excite talaga ako nung nalaman kong makaka-work ko si Josh (Joshua) kasi ilang beses na dapat kaming magkakatrabaho pero laging hindi natutuloy. So I think this is the right time, the right project for us to be able to work with each other,” sambit ni Janella.

Ayon naman kay Joshua, “Masaya ako kasi siyempre opportunity ito and ang dami na nga naming mga project na hindi natutuloy. This time, finally matutuloy na siya. And thank you kay Lord sa blessing.”

Aminado si Joshua na sa simula ay hindi nila maiwasan ang magkailangan.

“Siyempre, first time naming magtrabaho, eh, so may ilangan, pero na-break namin yon kasi nag-provide ang unit namin ng workshop – sensual workshop.

“Nag-workshop kami. Nagkakapaan din kami don during mga break. And may mga ginawa rin kaming… nangangabayo kami, tinuturuan kaming mangabayo. Hanggang sa naging komportable na kami tapos naging magaan ngayon sa eksena,” dagdag na paliwang ng aktor.

Dagdag pa ni Janella, hindi siya nahirapang kumonek kay Joshua.

“Actually, hindi naging mahirap makipag-connect kay Josh don sa workshop. Hindi naman naging mahirap na maka-adjust,” sey pa niya.

Samantala, kinailangan ng karakter nina Joshua at Janella ang matutong mangabayo sa The Killer Bride.

“Actually, mahirap nung umpisa, mahirap talaga siya.  Masakit siya sa legs kasi para ka nang nagba-butt work out (butt exercise). Pero at the same time, parang workout ko na rin siya, pinapawisan ako, pero enjoy siya,” kuwento pa ni Joshua.

Ang The Killer Bride ay pinagbibidahan din ni Maja Salvador mula sa direksyon ni Dado Lumibao.