Elisse Joson, nagbukas ng pet friendly restobar

Elisse Joson, ipinakita ang kanyang newly-opened pet-friendly restobar

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/28/2019 12:44 PM
Elisse Joson, nagbukas ng pet friendly restobar


Photo credit to ABS-CBN Lifestyle

Sa video mula sa ABS-CBN Lifestyle, ipinakita ni Elisse Joson ng kabubukas lang niyang restobar na Bites by Stylisse. 

LOOK: 21 Celebrity-owned restaurants you’ll want to visit

Ayon kay Elisse, idea ng mom niya ang karamihan sa pagkain na sine-serve nila sa restobar. “Siya kasi mahilig talaga siyang magluto sa bahay so kung anong maisip niyang lasa dun siya nagbe-base. Wala talaga siyang kinukopyahang recipe. Most of the food from our menu came from her idea lang,” kuwento ni Elisse. 

Ang ibang pagkain naman daw sa menu ay pinili rin ni Elisse. “Others naisip ko lang din kasi yun yung mga food na kine-crave ko, gusto ko lang din yung mga ganung lasa,” ani Elisse.

May area din sa Bites kung saan doon nakalagay ang “personal abubots” ni Elisse katulad ng mga books na nabasa na niya, photo na gawa ng fan, at mga magazines kung saan siya ang cover.

Sinabi rin ni Elisse na pet friendly ang kanyang restobar. “Dogs are welcome here FYI… Most of the places or restaurants I go to, hindi laging open for dogs. But we are pet lovers so they’re all welcome here,” sabi ni Elisse.