• Home
  • Fresh Scoops
  • Claire Dela Fuente, injured sa aksidente sa kanyang restaurant

Claire Dela Fuente, injured sa aksidente sa kanyang restaurant

Singer Claire Dela Fuente, nagkaroon ng minor injuries sa pagkabasag ng isang glass door sa kanyang restaurant.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/28/2019 10:41 AM
Claire Dela Fuente, injured sa aksidente sa kanyang restaurant


Photo credit to Claire Dela Fuente Facebook Page

Ibinahagi ni Claire Dela Fuente ang naging aksidente sa kanyang restaurant sa isang Facebook post.

Ayon sa Jukebox Queen, nagkaroon siya ng minor injuries dulot ng naging disgrasya sa kanyang pag-aaring establisyimento.

“Had an accident just this midnight in our resto, nabiyak ang glass door sa front entrance. I was holding the other half of the door and the other half was still hanging sa itaas. Napaisip ako kung bumagsak yun sa ulo ko sigurado putok ang ulo ko or maybe worse” sabi ni Claire sa post.

Nagtamo man ng injury, malaki ang naging pasasalamat ni Claire na hindi naging matindi ang disgrasya na kanyang sinapit.

“I thank you Lord na di ako nadisgrasya and  maski na yung mga tauhan ko na tumulong sa akin wala ding nasugatan. Kaya lang after nun I saw my hand with a big black and blue bruise. Buti na lang my friend doctor was there and gave me first aid. Ayan na balot na balot na ang aking kamay,” kuwento pa ng singer.

Nakilala si Claire noong 70s dahil sa kanyang jukebox hits na "Sayang" at "Minsan Minsan." Kahit di na ganoong kaaktibo sa pag-awit, kilala siya bilang isang business woman at ngayon ay isa na ding film producer.