• Home
  • Fresh Scoops
  • Balik-Kapamilya Rafael Rosell, bibida sa bagong teleserye kasama sina Bea Alonzo at Richard Gutierrez

Balik-Kapamilya Rafael Rosell, bibida sa bagong teleserye kasama sina Bea Alonzo at Richard Gutierrez

Ito rin ang unang pagkakataon na makakatrabaho ni Rafael Rosell si Richard Gutierrez.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/28/2019 11:57 AM
Balik-Kapamilya Rafael Rosell, bibida sa bagong teleserye kasama sina Bea Alonzo at Richard Gutierrez


Masayang humarap sa press ang nagbabalik Kapamilya na si Rafael Rosell para sa story conference ng kaniyang pagbibidahang telserye. Sa ilalim ng Star Creatives, makakasama ni Rafael si Bea Alonzo na ayon sa aktor ay nakatrabaho niya sa isa sa mga una niyang soap opera. 

"Makakatrabaho ko ulit si Bea, siguro tagal na nating hindi nagka-trabaho, isa sa mga unang soap ko, nakasama ko si Lloydie (John Lloyd Cruz) at si Dimples (Romana) - Kay Tagal Kitang Hinintay, doon ko siya unang nakasama," kuwento ni Rafael na sa pagkakaalala ni Bea ay ang kaniya namang pinaka-unang soap sa ABS-CBN.

Read: Rafael Rosell, magbabalik Kapamilya

Dagdag din ng dating Coverboys member, excited rin siya na makatrabaho si Richard Gutierrez na isa rin sa mga aktor na nagmula sa kabilang network.

"Sobrang excited ako kasi first time kong makakasama sa screen si Richard Gutierrez, first time namin magshe-share ng frame, and I think never nangyari sa aking adventure sa kabilang working area," biro ni Rafael.

 

 

Bukod sa tatlong bibida, makakasama rin sa cast sina Christian Bables, Jameson Blake, Roxanne Barcelo, Jennica Garcia, at Ana Abad Santos.

Sa ngayon wala pang pamagat ang nasabing teleserye.