• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Molina, ikinuwento kung bakit ‘Dani Girl’ ang tawag niya kay Daniela Mondragon

Kim Molina, ikinuwento kung bakit ‘Dani Girl’ ang tawag niya kay Daniela Mondragon

Tinuturing ni Kim Molina na ‘mentor’ ang kaniyang ‘Kadenang Ginto’ co-actress na si Dimples Romana.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/27/2019 11:48 AM
Kim Molina, ikinuwento kung bakit ‘Dani Girl’ ang tawag niya kay Daniela Mondragon


Photo credit: @kimsmolina IG

Maaaring hindi lahat ay nakakaalam pero si Kim Molina mismo ang nagbigay ng pangalang 'Dani Girl' sa karakter ni Dimples Romana sa teleseryeng Kadenang Ginto. Bilang gumaganap na Savannah na kaibigan ng kontrabidang si Daniela Mondragon, naka-isip daw si Kim na kakaibang tawagan na Dani Girl, na hango sa paborito niyang musical play. 

"Kasi po ang nangyari diyan nung pilot episode na taping namin, kumbaga parang bata pa kami noon, teenager pa kami. Tapos halos lahat ng best friend roles puro 'mars' o 'bes' [ang tawag]. Since kontrabida kasi si Daniela, I thought of thinking something else para mabago naman. Since Daniela po siya, 'yung 'Dani Girl' kasi favorite musical ko siya. Tapos po ayun! Kaya 'Dani Girl.' Nagulat kami na nasa script na po siya," kuwento ni Kim sa episode ng Magandang Buhay kahapon, July 26. 

Dagdag ni Kim, plano na niyang dalhin si Dimples sa re-run ng musical na Dani Girl ngayong darating na August. "Sabi ko, 'Uy, dadalhin kita roon sa 'Dani Girl' the musical para naman malaman mo kung saan kita ipinangalan. So 'yun lalabas kami, idi-date ko siya one of these days doon sa musical," sabi ng theater actress. 

 

 

WATCH: Parents ni Kim Molina, na-shock sa sexy scenes nila ni Kit Thompson?

Sa parehong interview din ng morning talk show, ibinahagi ni Kim ang mas malalim na pagkakaibigan na nabuo nila ni Dimples. "Si ate Dimples sa akin ngayon hindi lang po siya co-star, hindi lang po siya kasa-kasama sa trabaho. Lahat ng tungkol sa akin ay alam niya.

"Recently kasi parang hindi ko inakala lahat nang nangyayari sa buhay natin ngayon, sobrang overwhelmed po ako about everything. Tapos nagkakaroon kami ng time na kaming dalawa lang ni Ate Dimples sa sulok, bigla akong iiyak," pagpapatuloy ni Kim, na sinabi ring 'mentor' nang maituturing niya si Dimples. 

Patuloy na mapapanood si Kim bilang Savannah sa Kadenang Ginto, araw araw sa Kapamilya Gold.

READ: Kim Molina, sinabing walang selos ang boyfriend na si Jerald Napoles sa mga bed scenes sa ‘MOMOL Nights’

Bukod sa teleserye, bida rin si Kim sa isang iWant original movie na MOMOL Nights, kung saan nakatambal niya si Kit Thompson.